She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Page 5 of 8 Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8  Next

View previous topic View next topic Go down

She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Sat May 15, 2010 11:29 pm

First topic message reminder :

Color Coding:
† Athena Dizon (17)
† Grace Matic (18-19)
† Kenji delos Reyes (18-19)
† Nathan Dizon (20)

† Lucas Lazaro (18)
† Carlo Paez (15)

† Athena Abigail Tizon (18)
† Athena's parents

† Sara Jung (17)
† Kenji's family

† Jigs Bala (18-19)
† others
† Kirby Araneta (18-19)


Prologue
love is happiness...

love is smiling when you hear that person's voice...

love is the butterflies in your tummy no matter how many times you see that person...

love is when you look at them and smile for no reason...

love is seeing an imperfect person perfectly...


love is painful..

love is hard...

love is sacrifice..

love is sadness..

“Can I live without the happiness? Can I live with that sadness? I don't know...I don't know anything anymore”

I remembered that once I fell in love with a Gangster. I don't know how and when it happened. But I do remember saying that

"I have fallen for this one of a kind stupid gangster. Oh wait, let me that. I LOVED this stupid gangster.. I gave him happiness while he gave me suicide in return. I know, It sucks. But I never regretted loving him in the first place, well… maybe I did."

I also remembered loving everything about him ncluding his flaws.. Friends told me that we met in a very spontaneous way.. And then everything happened so fast..

But... Who's this gangster?? I know two gangsters but..

Which one am I dating?


Last edited by rOckpRiNEsS on Sat Jul 03, 2010 9:20 am; edited 4 times in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down


Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Tue Jun 01, 2010 10:41 am

ito na po tayu (:
---------
Chapter Twelve

Grabe. Siya parin yung naiisip ko. Halos 3 hours lang yung tulog ko kakaisip sa mga ‘nangyari’ kagabi.. Hinde ko alam kung bakit hinde ako pumalag, nadala lang siguro ng alcohol. Pero hinde eh! I was sober that time!! pano ako madadala ng alcohol.. could it mean something like… maybe.. OMG NO! Maybe I like him?!

I slapped my face lightly

“Anya ..anya..” patuloy pa rin pag slap ko sa pisngi ko. [anya = no]

“Hmm. So yan pala epekto ng kiss ni Kenji?”

I looked at my right side, “Bakit bigla bigla ka na lang sumusulpot? Pati anong epekto?? EW! PWEDE BA!”

Nakatingin lang siya sakin habang naglalakad kami, what? May nasabi na naman ba ako?

“Oh bakit ganyan ka makatingin?”

Inalis na niya yung tingin niya sa akin, OMG! WHY??? OK LANG SAKIN TITIGAN MO KO! *blush*

“Wala lang. parang diring diri ka sa kiss niya eh. haha!”

AY STUPID! Oo nga pala, I’M HIS GF! Pati teka, paano niya nalaman na nag kiss kami???

“Ha? kasi, wala lang naghalong bisyo eh, beer pati yosi. Alam mo yun..”

Nag smile siya sa akin.. ang gwapo niya talaga!!

“Oo. Edi hinde pala kita pwedeng halikan tuwing nakainom ako? Kasi ganun din ako eh, may halong bisyo.”

Napatingin ako bigla sa kanya, “Ha?”

“Wala!”

“Ok lang sakin kung ikaw, gwapo ka naman e.” sabi ko ng mahina

“Ha? May sinasabi ka ba?”

“Ha? Wala. Teka, bakit ang aga mo ngayon? Maaaga mo bang susunduin si Abigail ngayon? Wow. Sana lahat ng lalaki katulad mo!”

Nagsmile siya sa akin, “Hinde, nakita kasi kitang naglalakad mag isa eh, so napagisipan kong ihatid ka na lang! ok lang naman diba? Oh baka mag selos si Kenji?”

“Tss. Yun magseselos? COME ON! I mean, wala nga yun saking paki ala--”

“ATHENA!!!” napahinto ako sa pag lalakad. I know that voice!!!

Napatingin ako sa may likod ko.

Nagmadaling maglakad si Kenji papalapit sa amin ni Lucas

“Ilang beses ko ba kelangan sabihin sayong ayokong nakikitang kasama mo yan?? Ayoko rin mag usap kayo!!”

“Ano ka ba ha??? Bakit kelangan pati mga dapat kong kaibiganin pinapakialaman mo?”


“NAGSESELOS AKO EH! AYOKONG MAY KUNG SINO SINONG LALAKI ANG LUMALAPIT AT KUMAKAUSAP SAYO! HINDI MO BA INIISIP DAMDAMIN KO??”


Nagulat kami ni Lucas kay Kenji. Ano daw? Selos??

Nagsmile sa akin si Lucas, “Sabi na sayo magseselos siya eh. sige mauna na ako.” tumingin siya kay Kenji, “Sige mag ingat kayong dalawa.” tumalikod siya sa amin tapos naglakad papalayo sa amin.

Humarap sa akin si Kenji tapos nag smile, “See? Panalo ko! Selos selos. Selos my @ass.” Hinawakan niya braso ko tapos hinila niya ako. “Let’s go lovebabe!”

Lovebabe?! Anong pauso na naman yan!?

----------------

XDNESS, yan muna ulit ^ ^ mmya na ulet..
nilalanggam kasi aku dito.. XD
ciao!

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  HungryLips on Tue Jun 01, 2010 10:58 am

nakakainlab si lucas Smile XD
kileg, next na! biten

HungryLips
Buff

Posts : 56
Points : 58
Join date : 2010-05-26

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Tue Jun 01, 2010 11:02 am

XD, adek mo
pakainin mo muna ako, XD
mamaya na


Thanks!

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Tue Jun 01, 2010 9:33 pm

Pagkadating namin sa school halos lahat ng students nakatingin sa amin, hay nako, kelangan ko na talagang masanay sa ganito tuwing kasama ko si Kenji. Pagkadating namin sa classroom lahat din sila nakatingin sa amin, NAKA SMILE.

Humarap ako kay Kenji, “Kenji, may dumi ba ako sa mukha?”

“Tange. Siguro alam na nila yung nangyari.”

“Nangyari? Anong nangyari?”


Napatingin sa akin si Kenji, “Yung alam mo na.. yung sa 310..”

“ALAM NILA?!?”

Nagtawanan yung mga kaklase namin

“Hay nako Athena! Alam na ng buong mundo yun! malagay ba naman yung mga pictures sa internet eh!”

INTERNET?! SINONG NAGLAGAY?! PICTURES?!?!? OMG!

“Buti naman at nag-improve na yung relasyon niyong dalawa noh!! Akala namin forever na kayong mag tatalo eh!!!”

“Siyempre naman Gracie! May kakaibang bonding ata yang ‘most popular couple’ sa internet!”
“Mismo!” tapos nag apir sila. MOST POPULAR COUPLE?! SA INTERNET?!? Ano ba to!! I know earlier sinabi ko na maybe I like him, pero OMG! NO! EW! Hinde pala! tuwing nakikita ko si Lucas laging nawawala sa isip ko si Kenji eh, so I think mas na ggwapuhan ako kay Lucas, pwede ba yun?

Hinde kami nagusap ni Kenji sa kalagitnaan ng class namin kahit nung recess, hinde rin. tinopak na naman ba siya? parang bata talaga yun!! sumpungin! Bigla bigla na lang hinde namamansin pag sinusunpong! Na-stuck tuloy ako kela Sara at Grace! Kung ano ano pinapakwento sa akin, like kung anong pinaguusapan naming ni Kenji pag naguusap kami sa phone, or kung may something na raw ba talaga! OMG PLEASE!

Lunch break na at hinde pa rin ako kinakausap ni Kenji, hinde ko rin siya makita sa canteen, kaya hinde ko na siya hinanap pa. susulpot naman yun kung kelan niya gusto eh. bahala siya.

So ngayon ang kasama ko ay si Kirby, Jigs, Sara at Grace

“WAAAAH! BAKIT NANDITO SIYA?” habang nakaturo kay Grace

“Kaibigan namin siya eh! bakit may angal ka ba?!?!”
Si Sara patapang ng patapang recently.

“MERON! AYOKO SIYA DITO!!” tinuro niya si Grace, “HOY IKAW! Hinde ka welcome dito!!” nagtinginan yung mga babaeng malapit sa table namin at of course, nag bulungan sila.

“HOY KA RIN! Manahimik ka na nga dyan! Kumain ka na lang!!”

Natawa lang si Kirby sa kanilang dalawa. Meron ba kaming hinde alam??

“Anong nakakatawa?” sabay naming tinanong ni Sara

“Wala lang. Ang inosente ng itsura niyong dalawa eh.” patuloy pa rin sa pag tatalo yung dalawa. Hinde na nga namin sila pinansin dahil alam naming walang patutunguhan away nila.

“Ex-lovers ba sila??” sabay ulit naming tinanong ni Sara.

“HIN DE!!!!” sabay nilang sinabi. RIGHT. EX-LOVERS NGA

“Ex nga.” Sabi ni Sara.

“Mandiri nga kayo! Hinde kami pwedeng maging magboyfriend girlfriend noh!!”

“At bakit naman??"

“Kasi kambal sila.”


“KAMBAL?!?!”

“Oo. Hinde nga lang identical twins. So I guess that explains everything.”

Kaya pala medyo hawig silang dalawa. Pati pareho sila ng ugali minsan, KAMBAL EH! Natawa na lang kami ni Sara sa nalaman namin! Eh bakit Bala family name ni Jigs at si Grace naman Matic?? Weird.

Unti-unti ko ng nakikilala sila Jigs at Kenji, si Kirby naman hindi pa gaano, masyado siyang mysterious! Hindi ko nga alam kung may girlfriend na siya o wala eh! Ang alam ko lang siya si Kirby Araneta, 18 years old taga BF Executive Village. Ibig sabihin ka-village namin siya ni Kenji at Lucas, yun nga lang malayo sila sa street namin.

Paakyat na ako ng stairs mag isa, si Sara kasi binantayan yung kambal! Hinde pa kasi tumitigil kakatalo yung dalawa! Kaya pala napansin ko tuwing English class namin, sa akin nakaharap si Jigs! Tuwing tinatanong ko naman kung bakit siya nakaharap sakin, feel niya lang daw. Tss. Ngayon alam ko na yung tunay na dahilan! Pati ngayon lang sila nagkabangayan ng ganito, oh yeah I learned a new word from Kirby, ‘bangayan’. Anyway, hinde pa rin ako makapaniwala sa bago kong nalaman tungkol kay Jigs at Grace. Itatanong ko nga kay Sexylove kung alam niya yung tungkol sa kanila!

Habang nasa 2nd floor ako, biglang kinalabit ako ni Kirby

“Bakit mag-isa ka na naman? Nako! Baka ma-sampal ka na naman ng mga psycho ha!”

“Ikaw talaga! Oo nga pala, thank you ha.”


“Ano ka ba! Ginagawa ko lang yun kasi girlfriend ka ni master Kenji!”

“Ah ganun? Tss. Hinde naman ako gusto nun eh! alam mo naman na nagpapatulong lang yun sa akin na maibalik si Abigail!”

Napasmile sa akin si Kirby

“Bakit? Totoo naman eh! pati yung nangyari sa 310? Wala lang yun. kaya niya ginawa yun kasi nandun si Abigail, tss. Kala niya hinde ko nakita si Abigail. Bwiset. Nakakahiya tuloy kasi pati si Lucas nakita!!”

He lightly poked my head, “Ikaw talaga! Si Lucas pa inisip mo! Pati, lahat ng kiss may meaning. Hinde ka naman i-kikiss ni Kenji kung wala lang yun noh! Kilala ko siya, trust me. Hinde ka ‘wala lang’ sa buhay niya.” then he patted my shoulder

Pagdating namin sa classroom nandoon na si Kenji, nakaupo tapos nakasmile sa amin.

Lumapit kami ni Kirby kay Kenji, “Paps, san ka ba nagsususulpot??”

“May inasikaso lang ako.” tumingin sa akin si Kenji, “Lovebabe, mamaya may surprise ako sayo!”

“Lovebabe?!” tanong nilang lahat

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Wed Jun 02, 2010 12:22 pm

To all readers: basahin niyo ang kwentong toh Sad npkaganda Sad Sad namaga mata ko kkbasa nung buong story nito Sad Sad abangan niyo until the end Sad Sad
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Wed Jun 02, 2010 12:35 pm

Hehe, try ko ipost yung ISA bago aku umalis .. Thank you to all the readers especially Kay ate Stella at ate Abby Smile

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Wed Jun 02, 2010 12:37 pm

rOckpRiNEsS wrote:Hehe, try ko ipost yung ISA bago aku umalis .. Thank you to all the readers especially Kay ate Stella at ate Abby Smile

post ka lang ng post ate Very Happy pra mabasa nila Very Happy Very Happy
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Wed Jun 02, 2010 12:40 pm

XD, try ko mag post as much as I can .. XD
hahabaan ko na to para sulit ng 3days =)

Lol

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Wed Jun 02, 2010 12:51 pm

rOckpRiNEsS wrote:XD, try ko mag post as much as I can .. XD
hahabaan ko na to para sulit ng 3days =)

Lol

i can help you if you want naman :$ PM mo nlang :$
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Wed Jun 02, 2010 12:53 pm

“UMUPO NA NGA KAYO!!” see. Ang pikon niya talaga. Kaya ang sarap niyang asarin dahil pikon siya eh.

Last subject na namin, at dahil Thursday PE yung last subject namin.

Thursday, late pumasok si Kenji, hinde siya nag practice? Tsktsk. Kaka lasing niya kasi! Ayan!

Anyway PE time namin, nag palit na kami nila Sara at Grace ng PE uniform, shorts at shirt yung pang PE namin. Pag labas ko ng cr dumiretso na ako sa may bleachers ng gym para ilagay yung damit ko sa bag.

“ANO YANG SUOT MO?!?!?”


Lumingon ako para harapin si Kenji.

“MAGPALIT KA NGA NG JOGGING PANTS!!”

“Wala akong ibang damit na dala eh. eto lang. Bakit ba!??!”


“PAG HINDE KA NAG PALIT SISIRAIN KO YANG DAMIT MO!”

“WALA NA NGA AKONG IBANG DAMIT!! Next time ok?? mag jojogging pants ako!”

“Good.” Tapos nag grin na naman siya. I hate him. I swear.

“So thug ka na ngayon hinde na gangster? THUG LORD!!”
-------------
wait lang ha ^ ^

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Wed Jun 02, 2010 12:55 pm

“Uy gusto ko yan ha!!”

Sabi ni Jigs. Bigla bigla silang sumusulpot! Ano ba to! Mushroom ba sila?!

“THUG LORDS!”


“Hay nako ewan ko sa inyo! Nagustuhan niyo pa yung thug lords na yan! Tara na mag sstart na yung class!”

Nagstart na yung class. Swerte ko dahil eto lang yung mahabang time na hinde kami magkasama at magkahiwalay kami ng class! Hiwalay kasi yung boys sa girls! Buti na lang! Basketball yung sa boys tapos volleyball naman sa amin. Ano ba to! Volleyball? Eh hinde nga ako marunong tumira nung bola eh! soccer na lang! pero hinde yun yung dapat na pagaralan daw namin eh.. too bad.

Tapos na yung PE class namin. BUTI NA LANG!

“Magpalit ka na ng damit.” Hinagisan ako ng shirt at short pants ni.. nino pa ba?

Kinuha ko yung damit tapos nagpunta ng cr para magpalit. Tama lang yung laki nung shirt, ok medyo malaki ng konti, I mean comfy siya, hinde fitted tapos ok lang rin yung short pants, lumabas ako sa cubicle. Hinde ko na natingnan yung itsura ko sa salamin kasi sumigaw na si Kenji!!

Napansin kong nagpalit rin siya ng damit, naka white shirt siya tapos naka shorts.

“Talikod ka nga! May titingnan lang ako!” tumalikod ako, anong meron ba sa likod ko?

“Bagay pala sayo eh! tara na!” hinila niya ako papalabas ng gym.

Anong meron sa likod ko?! bakit parang natuwa siya nung nakita niya yung likod ko?? may sira ba to?! OMG! Pag may sira tong damit patay sakin tong lalaking to!!!

Eto ba yung sinasabi niyang surprise??? yung shirt at yung short pants??? tss. gusto niya lang terno kami eh. paano ba naman white shirt din to! hinde ko nga lang alam yung design sa likod! LORD HELP ME!

--------
chapter 13 na nxt ^ ^, stella, PM ko sayu yung whole chapter 13 ^ ^.. kaw na lang mag ayus ng color coding.. natamad ako ^ ^

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Wed Jun 02, 2010 1:00 pm

khet wak na :$ alam ko kung san kkunin >:] LOL Very Happy
sbihin mo lang kung hanggang saan :$
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Wed Jun 02, 2010 1:03 pm

sinend ku sayu kung hanngang saan ,, XD

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Wed Jun 02, 2010 1:05 pm

tika lang po =)) pagaaralan ko pa ung mga colors =))
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Wed Jun 02, 2010 1:16 pm

Chapter THIRTEEN

Palabas pa lang kami ng gym ni Kenji, lahat halos ng students nakatingin sa amin. Ano bang meron? Haay. Siguro dahil si Kenji yung kasama ko. Ganun naman palagi eh. Dapat sanay na ako. Pero hinde pa rin ako map kali kasi kilala ko tong si Kenji eh!! Kanina tininnan niya yung likod ko, may kalokohan siguro siyang ginawa sa damit na binigay niya!!

“Bakit nakatingin sila sa atin?”

“Ewan ko.”

“May something siguro tong damit na to noh??” Nag smile lang siya. Hinampas ko siya sa may braso niya, “ANO BA KASI MERON SA DAMIT NA TO?!?! Bakit sila nag titinginan?!?!”

“ANO BA!! Wala nga!! Pramis!”

“WAG KA NGANG MAGSINUNGALING DYAN! KILALA KITA!! GAGAWA AT GAGAWA KA NG KALOKOHAN KUNG KELAN MO GUSTO!”

“Kung ayaw mong suotin yan edi mag palit ka!! Nakakasar naman eh! Sinabi ng wala ipipilit pa ring meron!” nag pout siya tapos tumalikod sa akin.

“Oh bakit nagtatampo ka??”

“Hinde ako nag tatampo! Ang kulit mo kasi eh! Snabi ng wala tapos ipagpipilitang meron! Nakakairita!”

“Psh.”

“Mauna na ako, hihintayin na lang kita sa lounge. Magpalit ka kung gusto mo.” nagsimula na siya maglakad papalayo sa akin. Ang pikon talaga nun! Nakakaasar!

Bumalik ako sa loob ng gym para mag cr. Tiningnan ko ng mabuti yung likod

Tama nga. Wala ngang nakasult, wala ring sira. Kasi naman siya eh! Kung kumilos parang may something na kagaguhan eh! Hinde mo talagang pwedeng pagkatiwalaan!

Lumabas ako ng cr suot parin ang damit na binigay ni Kenji. Yung isip bata na yun!! Kung hinde lang siya gwapo eh!! GWAPO?? Teka, sinasaniban na naman ako ng masamang espirito! Bigla bigla na naman akong nagsasabi ng masasamang bagay. Ano ba to ano ba to.

Nasa may covered court na ako, ng may biglang bumangga sa aking limang babae. Teka natatandaan ko sila.. Pero saan??

“Grabe. Ang kapal naman ng mukha mong magpakita pa sa tapat namin.” sabi nung chubby girl

SILA! SILA NGA YUNG MGA BABAENG SUMAMPAL SA AKIN!!

“Kayo yung..” tinuro ko sila using my index finger.

“Oo! Kami nga. Wag kang mag-alala. Hinde ka na namin sasaktan."

"Tama. Hinde na bababa level namin sa isang gold digger na katulad mo."

"Tara na. Alam na rin naman ng lahat ang tungkol sa kanya eh. "

Alam ng lahat? Ang alin? Ang ano?

Iniwan na nila ako, walang sampal, walang bangga.

Hinde pa rin ako mapakali sa sinabi nung isang babae.. alam na ng lahat ang tungkol sa akin..? Alam na nila yung.. OMG! lagot ako nito kay Sara!! Hinde nila dapat malaman yung tungkol sa amin.. wala pa kaming planong ipaalam sa kanila.. paano na lang sila Jigs, Kirby at Grace? baka magalit sila pag nalaman nila yung sa amin.. hinde pwede.. sila lang yung tinuturin naming kaibigan simula nung tumira kami dito sa pinas..

"Totoo ba?" Huh? Nakita ko si Abigail nakaupo sa may mga bench sa tennis court. “Kalat na dito sa school yung tungkol sayo.”

“A-alam mo na rin?”

“Oo. Simula pa lang alam ko na. Hinde ko nga alam kung anong nakita sayo ni Kenji eh. Sa totoo lang, parang bumaba yung taste niya sa isang babae.”

“So what’s your point? Working as an art--

“Na gold digger ka.”

GOLD DIGGER AKO?? She didn’t let me finish my sentence!! OMGSH!

“Excuse me?”

“Gold digger ka. Look at what you’re wearing. I know Kenji gave that to you. I saw him buying that.”

“I never asked for anything. Kaya kung pupwede wag ka munang manghusga. Wala ka namang alam eh.”

Nag glare siya sa akin tapos smile.. Evil smile. “We’re not yet done Miss gold digger.”

Naglakad na ulit ako papuntang lounge. Nakakaasar. Ang kapal naman ng mukha niyang akusahan ako! She doesn’t even know me!! Maybe she does pero by name and face lang! She doesn’t know me personally… so mean.

Nakita ko na si Kenji nakaupo sa mga bench dun sa lounge. Pupuntaan ko ba siya? Prang ayoko.. Halos lahat ng students dito pinagtitinginan ako.. Alam na nila yung gold digger issue. >_< hinde naman ako gold digger eh.. Wala naman akong hiniling kay Kenji.. Akala ko pa naman din yung issue sa Korea, pero iba pa pala.. mas matindi.

Pumunta ako sa may cr, hinde pa ako handang harapin si Kenji, feeling ko pag nakita nilang lumapit ako sa kanya, mas lalong sasabihan nila akong gold digger.

Pumasok ako sa cubicle. Gusto ko muna magisip.

-------------
ayan po yung chapter 13 ^ ^
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Wed Jun 02, 2010 8:21 pm

Hehe, thank you (:

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  crazyabby on Wed Jun 02, 2010 8:53 pm

Ano ba yan si Abigail !
ex lang naman sya eh. Mad
kawawa tuloy si athena.
avatar
crazyabby
Fan

Posts : 35
Points : 37
Join date : 2010-05-15
Location : Bacoor, Cavite

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  ganda10101 on Tue Jun 08, 2010 11:08 am

NXT Rolling Eyes Rolling Eyes Rolling Eyes

ganda10101
Fan

Posts : 44
Points : 50
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  Xhavierah on Wed Jun 09, 2010 8:07 pm

oi Next muh na dali.xD
avatar
Xhavierah
Admin

Posts : 417
Points : 490
Join date : 2010-05-13
Age : 26
Location : Riyadh, KSA

View user profile http://loverforum.forumotion.com &amp;amp;amp;amp;amp;amp;am

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Wed Jun 09, 2010 9:28 pm

asan na c rockp? Sad post ka na Sad excited nq sa ending comments Cool
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Thu Jun 10, 2010 9:29 pm

XD, weyt Lang.. Post ko mmya.. Nag aaral kasi aku ng PAT test nmin eh... XD.. Anyway.. Weyt Lang ha ! Laughing

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Sun Jun 13, 2010 10:55 am

nice nice haha, daming update ^^ i think sa susunod na magsisimula ang mga nkakaiyak na chaptiieee Sad be ready sa panyo ^^ Laughing
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  ganda10101 on Sun Jun 13, 2010 2:53 pm

Parang na post nayan..

tignan mo sa Page 6 >.<

ganda10101
Fan

Posts : 44
Points : 50
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Sun Jun 13, 2010 3:37 pm

wenkz,
^ thnx Smile) post ko nlang ulit

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Sun Jun 13, 2010 3:46 pm

continuation- chapter 13

“Alam na kaya ni Athena? Grabe naman yung nagkalat nun..”

Parang boses ni Grace yun ha.. Sino kaya kausap niya?

“Oo noh! Pag nakita ko sila.. NAKO!!!! THEY ARE SO DEAD!”

Just as I thought. Si Sara nga.

“KOREK! I-fuflush ko yung mukha nila sa inidoro!”

Inidoro?

“Ano yung inidoro?” sorry. We’re dumdum. >_<

“Toilet bowl.”


Aaahh.

“Ahh.. Tara na! baka inintay na tayo ni twin brother mo!”

“Twin brother ka dyan!!”

Narnig ko na nag-close yung door. I guess umalis na sila. Lumabas na rin ako ng cubicle. Hinde ko pa rin alam kung pupuntahan ko si Kenji oh uuwi na lang ako sa bahay. Wala talaga akong planong harapin siya ngayon.

Lumabas na ako ng cr. Nakatayo lang ako dun.

“Amp! Wag mong sabihing nag papaapekto ka? Wala lang yun. Puntahan mo na siya, kanina ka pa niya hinihintay.” sabi sa akin ni Kirby, ang galing. Para talaga siyang mushroom. Bigla biglang sumusulpot.

Unconsciously, I was walking towards Kenji.. Unconsciously, I smiled at him.

“Nag hintay ka ba ng matagal? Sorry..” Nakatingin parin siya sa akin, well hinde sa mukha ko kung hinde sa damit ko. Siguro nagtataka siya kung bakit ang tagal ko pero hinde naman ako nagpalit ng damit. “Uhm.. Kenji.. Ok lang ba kung mauna na ako? Gusto ko na kasi umuwi. Masama pakiramdam ko..”

Lakas loob kong sinabi, alam kong maaasar siya kasi gusto niya lagi kaming sabay umuwi. Pero ngayon kasi sobra sobra na yung insulto na natanggap ko dahil sa kanya. Parang lumalabas na ako yung masama kasi sikat si Kenji dito tapos isang new student naging girlfriend niya bigla.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad.

--------------------
sorry for the other one.. it was my fault >.<
anyway..
ayan na ha.. wait lang

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 5 of 8 Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8  Next

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum