She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Page 2 of 8 Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8  Next

View previous topic View next topic Go down

She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Sat May 15, 2010 11:29 pm

First topic message reminder :

Color Coding:
† Athena Dizon (17)
† Grace Matic (18-19)
† Kenji delos Reyes (18-19)
† Nathan Dizon (20)

† Lucas Lazaro (18)
† Carlo Paez (15)

† Athena Abigail Tizon (18)
† Athena's parents

† Sara Jung (17)
† Kenji's family

† Jigs Bala (18-19)
† others
† Kirby Araneta (18-19)


Prologue
love is happiness...

love is smiling when you hear that person's voice...

love is the butterflies in your tummy no matter how many times you see that person...

love is when you look at them and smile for no reason...

love is seeing an imperfect person perfectly...


love is painful..

love is hard...

love is sacrifice..

love is sadness..

“Can I live without the happiness? Can I live with that sadness? I don't know...I don't know anything anymore”

I remembered that once I fell in love with a Gangster. I don't know how and when it happened. But I do remember saying that

"I have fallen for this one of a kind stupid gangster. Oh wait, let me that. I LOVED this stupid gangster.. I gave him happiness while he gave me suicide in return. I know, It sucks. But I never regretted loving him in the first place, well… maybe I did."

I also remembered loving everything about him ncluding his flaws.. Friends told me that we met in a very spontaneous way.. And then everything happened so fast..

But... Who's this gangster?? I know two gangsters but..

Which one am I dating?


Last edited by rOckpRiNEsS on Sat Jul 03, 2010 9:20 am; edited 4 times in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down


Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  prolibag* on Mon May 17, 2010 4:01 pm

lol..onte namn nagoonline d2..!
avatar
prolibag*
Fanatic

Posts : 267
Points : 274
Join date : 2010-05-16

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Mon May 17, 2010 10:10 pm

prolibag* wrote:mga gangster pla kau ahh..west o east side kau?
anung west o east side? Amff

-stella- xd.. Pakepot si kenji ^^

-prolibag*- Kaya nga po Ina advertise nmin ehh -.-"

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  prolibag* on Tue May 18, 2010 8:54 am

gangster dba?kaya nga east side group...o west side group..lol... lol! lol! lol!
avatar
prolibag*
Fanatic

Posts : 267
Points : 274
Join date : 2010-05-16

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Tue May 18, 2010 10:56 am

(Chapter 2 na tayu! XD)
Chapter TWO

“ANONG SUSHI BOY?!” what kind of question is that? Siya si Sushi diba?

“Ms. Dizon, Mr. delos Reyes, please tone down your voice!”

“MSN!! Ikaw yun diba? Ang weird.. hinde ka naman mukhang sushi, hinde ka rin naman amoy sushi.. pero bakit yun yung screen name mo?” natawa lang siya

“Bakit ikaw? Hinde ka naman mukhang PRINCESS, pero bakit Pricess Athena screen name mo?” he’s not nice. ¬_¬

“Paki alam mo ba?!”

“Paki alam mo rin rin ba?”

Napaka yabang niya! Akala mo ang gwapo gwapo niya!! EXCUSE ME! Poser siya!! feeling cool. Hmph! >_<

Tumingin ako kay Sara, nakita ko siya kinakausap niya yung seatmates niya. Bakit parang wala siya problema, ang saya saya niya pa oh! Hinde katulad ko. stuck up sa taong to!

Paglingon ko sa kanya naka rest yung ulo niya sa arm chair, tapos naka pikit.

Tinitigan ko siya ng mabuti.

Hmm.. matangos ilong niya, maganda lips, para siyang bata pag tulog. Wag na nga lang sana siyang gumising!

Natapos ang dalawang subjects namin ng tulog si Kenji. Grabe, ibang klase talaga siyang student noh? Napaka active.

“Athena! May papakilala ko sayo!” paglingon ko kay Sara, may kasama siyang dalawang lalaki.

“Athena, meet Jigs and Kirby.” Tinuro niya yung nasa left niya, si Jigs yun. yung nasa right naman si Kirby. "Guys, si Athena, bestfriend ko."

“Hi! Nice meeting you.” Tapos nag smile ako. infairness, gwapo sila pareho.

“Hi Athena!!” sabi ni Jigs habang winiwave niya yung kamay niya at nakasmile. Ang cute niya!! Para siyang bata!!

“Nagugutom ba kayo? Tara, samahan na namin kayo sa canteen.” Sabi naman ni Kirby. Napatingin siya kay Kenji na natutulog pa, “Kenji! Break na! gumising ka na!!”

Gumalaw si Kenji at unti unting binuksan yung mga mata niya. Lahat kami nakatingin sa kanya.

Tumayo lang siya at lumabas ng classroom, pag labas niya nagsisigawan yung mga babae dun, may artista ba?

“Tara canteen tayo.”

“Hinde, sige kayo na lang. Hinde pa naman ako gutom eh..” nag smile din si Sara, bilang sagot. Weird, smile, bilang sagot? Labo.

"Sige kayo na lang.. hinde pa din ako gutom eh."

Paglabas rin nung dalawa nakarinig na naman kami ng ingay ng mga babae. Ano bang nangyayari sa labas?

May lumapit sa aming babae, “masanay na kayo sa ingay. Silang tatlo kasi yung heartthrob dito sa school. sikat sila pati sa ibang school kasi varsity sila ng basketball, mayayaman, gwapo, at magaling makipag laban.”

“Makipag laban?” sabay naming tinanong ni Sara

“Laban. Yung suntukan. Sapakan.”

Nanlaki yung mga mata namin.

So sila yung parang F4? Sorry.. I watch too much drama. >_<

Anyway, naniniwala ako na si Kenji at si Kirby, mukhang mahilig sa gulo, pero si Jigs?? Omg! He’s a cutie!! He can’t be that bad.. I guess..

“Ay, o nga pala, ako si Grace Matic.” Inabot niya yung kamay niya sakin, tapos nag smile siya.

“Athena Dizon.” Nakipag shake hands ako tapos nag smile.

“Ako naman si Sara Jung” nakipag shake hands din si Sara. Cute si Grace, at least ngayon may kakilala na kami ni Sara dito sa school na mukhang mapagkakatiwalaan.

“Tara, upo tayo! Sasabihin ko sa inyo kung sino yung dapat at hinde niyo dapat banggain dito sa school na to.”

Naupo kaming tatlo, magkatabi kami ni Sara at si Grace naman ay nakaharap samin.

“Gaya nga ng sabi ko kanina, si Jigs, Kirby at Kenji, yung pinaka sikat dito sa school, at sa iba pang school dito sa south. Ibig sabihin meron silang ‘groupies’. Sila yung mga walang sawang naghahabol sa kanilang tatlo, pag nalaman nilang may girlfriend na yung isa sa kanila, tiyak, lagot yung babae dun.”

“Groupies? Parang fan club?” nagtatakang tanong ni Sara

“Mismo! Package na raw kasi yung tatlo, mayaman, gwapo, at marunong makipag laban.”

“Ang weird naman nun. Fan club sa school? tsktsk. Matatalino ba yang mga yan?!”

“Si Jigs at Kirby matalino naman, nasa Top 20 sila. Actually, top 16 si Jigs at top 18 naman si Kirby.. ok na yun kasi 55 tayo sa class counted na kayong dalawa. Si Kenji naman..”

“Oh let me guess. Coo coo brain siya?”

“Coo coo brain? Ah. Sabihin na lang natin.. na nasa top 45 siya.”

“TOP 45?!” sabay naming tinanong ni Sara.

Diba 50 students!?! SO COO COO BRAIN NGA SIYA!

“Tamad kasi yan eh. Pero nag aaral naman siya pag finals na. bawi bawi siya kahit papaano sa grades.”

Bakit parang alam niya lahat ng mga ito? Close kaya silang apat?

“Alam ko iniisip niyo kung bakit alam ko lahat ng ito, ok aamin na ko, crush ko kasi dati si Kenji..”

“Ahhh.. So isa ka sa groupies niya?” nice one Sara.

“Parang ganun na nga.. pero independent! HAHA”

“Bakit si Kenji?! Ang sama sama kaya ng ugali nun!! Masyado siyang bastos mag salita, walang galang!”

“Teka, sinabi ko namang dati diba? wag kang mag alboroto dyan! RELAX!”

Alboroto? NOSEBLEED.

“Hinde ko nga rin alam kung bakit naging crush ko yan eh, ang gwapo kasi eh! Kahit mukha pa siyang ga--

“Gangster?”

“Mismo! Pero mabait yan! Magkakilala na ba kayo? Ipapakilala kita.”

Oh yeah.. we know each other, right? and I LOVE his attitude. Yeah right.

“Hinde ok lang. magkakilala na kami.”

“Ah, oo nga pala seatmate mo siya. Alam mo bang ikaw lang yung pangalawang taong nakatabi niyan sa classroom?”

Pangalawa? Bakit? Sa bagay.. napansin ko siya lang magisa sa row kanina.

“Bakit? Sino yung una?”

“Si Athena. Athena Abigail Tizon tunay niyang pangalan.”

Siya yung Athena na akala niya ako.. magkatunog pa kami ng surname Dizon.. Tizon.. Ang weird ha. pareho na nga ng pangalan magkatunog pa ng surname!

“Ano niya yun? Maganda ba? Schoolmate ba natin?” napaka tsismosa naman ni Sara! Lahat kinuwestiyon na!

“Ex-girlfriend niya. 3 years din sila nun! Maybe 4? Basta. Oo, schoolmate natin. Maganda? Hmm.. Mas Maganda si Athena” sabay turo sakin, “Pero malakas kasi yung dating ni Athena eh.. Abigail pala. maraming nagkakandarapa dun kahit nung sila pa ni Kenji! Pero may boyfriend na siya na bago, GWAPO rin!! Lucas pangalan, taga kabilang school lang.”


“Ang swerte naman niyang Athena na yan. Dalawang gwapo naging boyfriend. Tsktsk.”

3-4 years? Ang tagal din nun, siguro naging mahirap para kay Kenji na magbreak sila kaya siguro ganun na lang siya mag habol. Teka, bakit pinag tatanggol ko yung lalaking yun?? I’m sure siya may kasalanan kung bakit sila nag break! Nagsawa siguro yung Athena sa pakikipag away ni Kenji sa mga taotao.

Ang weird. Pagsinasabi kong Athena, feeling ko sarili ko yung tinutukoy ko. EW hinde ko maimagine na kami ni Kenji. EW EW EW.

Pero ang sabi ni Grace, may bagong boyfriend na si Athen--Abigail. Lucas? Gwapo daw eh, panong gwapo? Kasi kung gwapo parang Kenji, well he’s not gwapo at all. Naiintriga na tuloy ako kay Abigail, Kenji at dyan sa Lucas na yan..


Last edited by rOckpRiNEsS on Mon May 24, 2010 6:33 am; edited 2 times in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Tue May 18, 2010 12:26 pm

COO COO BRAIN Laughing haha ankyut Laughing
continue ulii Smile)
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Tue May 18, 2010 2:13 pm

Bukas na Lang ulit ... Haha
pramiz 2chapters bukas para d masyadong bitennnnnnn .. XD

Thanks!

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  prolibag* on Wed May 19, 2010 4:22 am

hehe...np..!
avatar
prolibag*
Fanatic

Posts : 267
Points : 274
Join date : 2010-05-16

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Wed May 19, 2010 8:37 am

Nag ring na yung bell, ibig sabihin tapos na yung break. May 3 subjects pa kami bago mag lunch. Ibig sabihin tatlong oras ko pa makakatabi si Kenji.

Practical Art yung next subject, ibig sabihin sa computer room kami. Alphabetical yung pag assign, ang sama naman talaga ng taon ko na to. Si Kenji na naman ang katabi ko, since delos Reyes siya at Dizon ako.

Wala namang pinagawa samin yung teacher kung hinde pagamitin lang kami ng internet. Etong katabi ko naman, nakita ko nag lalaro.

“Ano na naman tinitingin tingin mo ha?”

“Anong nilalaro mo?” maayos na tanong ko.

“Pakialam mo ba!?” wala talaga siyang kwenta.

“Sumagot ka na lang.”

“Dota.”

Dota? Anong klaseng pangalan ng game yan?! DOTA. Wtf? Pero mukhang corny yung game, kaya hindi ko na siya pinanood mag laro.

Natapos yung P.A class namin. Next subject Physics. 2 hours yun. ang masakit sa loob ko, katabi ko na naman siya.

Habang nagdidiscuss yung teacher si bigla akong kinausap ni Kenji

“Wag kang mag-alala. Hinde ko pa nakakalimutan na may atraso ka sakin. Mamayang lunch break, humanda ka sa akin.”

Ano!? Akala ko pa naman din ok na lahat!! Hinde pa pala! ano ba kasing ginawa ko sa kanya? Ha??

Ok. pinag hintay ko siya. pero sinabi ko bang maghintay siya?! HA?! sabihin niyo nga sa akin? Ako ba may kasalanan? Sinabi ko ba na ‘OK WAIT FOR ME.’ Wala naman eh T_T I’m dead.. UMMA! APPA! HELP ME!

“Ano bang ginawa ko sayo?! HA?!?!” napalakas ata yung pagkasabi ko ng ‘ha’ kasi napatingin samin yung klase at yung teacher.

“Ms. Dizon, Mr. delos Reyes, BE QUIET!! You’re disturbing the class!.”

“Sorry..” bago pa lang ako sa school na to ang panget na kaagad ng impression sakin ng mga teacher! Eto kasing sushi boy na to eh!!

“Pwede bang hinaan mo yang boses mo? para kang megaphone eh!”

“MEGAPHONE?!” napatingin na naman sa amin buong klase.

“YOU TWO!!! GET OUT OF THIS ROOM RIGHT NOW!”

Naunang tumayo si Kenji tapos sumunod ako. napaaga ata lunch break namin. Sinusundan ko lang si Kenji kung saan siya mag punta, since bago pa lang ako dito sa school na to. Bumaba siya sa may center stairs at tumuloy tuloy pa rin sa pupuntahan niya.

Huminto sa paglalakad si Kenji, “Bakit mo ba ako sinusundan ha?! anong problema mo!? dahil sayo napalabas tayo ng classroom!”

“Excuse me? MY fault?! WAS IT MY FAULT?! YOU pissed ME off!”

“Alam mo, wag ka ng mag-english. Hinde bagay sayo. Para kang ‘wannabe’.”

Wannabe!? Dahil lang nag-english ako, wanna be na ko!?

“BAKIT AKO NAGING WANNABE?!”

“Teka, ang sabi ko PARA kang wannabe. Hinde ko sinabing WANNABE ka. Ok? Pati pwede, pakihinaan naman yang boses mo! nabibingi na ko eh! magkalapit lang tayo oh!”

Ok. Fine fine. Malakas nga masyado boses ko. Pero siya naman kasi eh!!!

I didn’t notice na we’re already out of the school.

“Uy!! Teka, saan ba tayo pupunta?? Wala na tayo sa school oh!!” napatingin siya sakin

“Bakit ka sumasama sakin? Hay nako. Tara, kumain na lang tayo. Mga 5 minutes away may kainan dito.”
Tumabi ako sa kanya at sabay kaming naglakad.

“Teka, pano mo nga pala nakuha number ko? pati pano mo nalaman yung MSN ko? pati yung family name ko?”

Napakamot siya ng ulo, “ang dami mo namang tanong! yung number mo binigay sakin nung kakilala ko, nung tinanong ko siya kagabi and sabi niya nagkamali kasi siya ng rinig sa apelyido. Yung surname mo naman, nalaman ko dun sa kaibigan mo.. yung kaninang babae.”

Sino ba yung nagbigay ng number ko? Pati sino ba tinutukoy niyang kaibigan ko? si Grace oh si Sara?

“Sinong nagbigay ng number ko? Friend? Sinong friend? Si Sara?”

“Secret na kung sino yung nag bigay ng number mo. Oo, yun nga, nakasama namin yun nila Jigs at Kirby nung isang araw, yung pangalawang araw na PINAG INTAY MO KO. lintek. Eto na naman. Naaalala ko na naman yang intay na yan! Pag babayaran mo yung ginawa mo sakin na yun!!!”

Si Sara?!?! Binenta niya ako kay sushi boy!! OMG! Pati bakit ba hinde na lang niya kalimutan yung araw na pinag intay ko siya? nabubuhay tayo sa present.. hinde sa past. Hihihi!

Maya maya nakita kong tumatakbo na si Kenji papalayo sakin. Hanggat sa hinde ko na siya nakita. ANO NA NAMAN BANG TOPAK NIYA?

“Bwiset talaga yang lalaking yan!!! Makabalik na nga lang sa school! pinag lakad niya lang ako ng pinaglakad tapos iiwan niya ko! hayop talaga siya!!”

Tumalikod ako tapos nag simulang mag lakad pabalik ng school, nakakita ako ng bato at sinipa yun. inisip ko na ulo yun ni Kenji! EW naiisip ko siya. YUCK.

Hinde ko maintindihan itong school na to eh, ok lang sa kanila na may piercing yung guy sa tenga? Kasi etong Kenji na to, ang daming butas sa tenga! Meron pa sa may itaas nung baba at nung lower lip, sorry stupid ako pagdating sa piercing eh. pati, ang weird.. pwedeng makalabas yung students sa gate? I mean, oo merong main gate at back gate, pero bakit parang walang nag babantay nito? Ayos

(nxt na tayu)

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Wed May 19, 2010 8:45 am

(as i said 2 posts ang post ko ngayun.. hehe.. masyadong mahaba ang chapter na ito.. sorry )

Nakita ko sila Kirby, Jigs at Sara, sa may school lounge, SARA!! BINENTA MO KO!!!

“BABES DITO!” napatingin ako kay Jigs, nagwawave siya akin.. babes?!

Lumapit ako sa kanila, “Babes? What’s wrong with you? Someone might hear you calling me ‘babes’!” nagsmile lang siya sakin ang cute niya talga!! Sige fine, hahayaan ko siyang tawagin akong babes, cute naman siya eh!

“Masanay ka na, babes talaga tawag niya sa mga taong tinuturin niyang kaibigan.” Sabi sakin ni Kirby, wow! Tinuturin na niya akong kaibigan, eh kakakilala pa lang namin ha!!

“Babes! Tara dun na tayo sa canteen! Alam kong gutom na gutom ka na eh! Teka, asan nga pala si Kenji? Diba magkasama kayo kanina?”

“Kenji? Ha? Hinde ah!! Bakit naman ako sasama dun!! Pwede ba! Ayokong may makasamang mukang gangster! Mapagkamalan pang nagdedate kami nun!”

DATE?! EW! NO WAY!

“Babalik naman yun kung gusto niya eh, tara sa canteen tayo.” Humarap siya sa amin tapos nag smile

Naglakad kami papunta sa canteen, hinde nga halatang sikat silang dalawa kasi habang nag lalakad kami yung mga mata nung mga babae nakatitig samin.. tipong gusto na kaming awayin ni Sara, nako noh! Wala naman kaming interest sa kanila! Or.. baka ako lang walang interest sa kanila? Ewan. Basta wala silang karapatan titigan ako ng masama! Kasalanan ko ba kung samahan nila kami sa canteen? Wag na nila akong patayin sa titig huhuh! Patay na nga ko mamaya kay Kenji eh! T_T

Sa canteen meron dun isang table na walang mga estudyanteng umuupo, bakit kaya? Reserved ba yun?

“Dun tayo, table namin yun.” tinuro niya yung table na walang tao. Kaya pala! sila lang ata may karapatan umupo dun, eh pang 6 naman yung table na yun eh, wala bang tumatabi sa kanila?

Umupo kami dun sa may table ‘nila’ maganda yung puwesto, tapos puro babae yung naka paligid.

“Sila ba yung new students? Bakit nila kasama si Jigs at Kirby??”

“Ang kapal naman ng mukha nila!! Bago lang sila dito tapos fniflirt kaagad nila yung dalawa!”

“Ang gwapo ni Jigs!”


Wow. Fangirls nga naman. Bakit ba sila nag kakandarapa sa kanila? I mean.. normal na tao lang rin naman sila right? Unless may super powers sila or whatsoever..

Bumili na kami ng pagkain, pati sa pila grabe, ibang klase talaga.. pinauna kami, pero syempre, tinitigan kami nung mga babaeng nagpasingit sa kanila.

After 10 mins, dumating na yung kinaaasaran ko. Mukhang magiging CLOSE kaming dalawa ha, grabe. HOW NICE.

(to be continued tomorrow.. hehe.. salamat sa mga readers! )

Thanks!


Last edited by rOckpRiNEsS on Mon May 24, 2010 6:33 am; edited 1 time in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  Xhavierah on Wed May 19, 2010 9:12 am

hmpp..may inedit kang ibang part nuh?? xD
avatar
Xhavierah
Admin

Posts : 417
Points : 490
Join date : 2010-05-13
Age : 26
Location : Riyadh, KSA

View user profile http://loverforum.forumotion.com &amp;amp;amp;amp;amp;amp;am

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Wed May 19, 2010 9:17 am

Xhavierah wrote:
hmpp..may inedit kang ibang part nuh?? xD
lol? Wala keya.. D p kase tpos chapter .. Kay kenji tayu mag fofocus bukas .. Haha

thanks!

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  ganda10101 on Wed May 19, 2010 12:44 pm

nyc Razz nakakatawa sia ngaun lol! lol! lol! lol! afro

ganda10101
Fan

Posts : 44
Points : 50
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Wed May 19, 2010 2:14 pm

anung keang mangyayari bukas? Twisted Evil
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  prolibag* on Wed May 19, 2010 2:36 pm

di ko alm..haha..!
avatar
prolibag*
Fanatic

Posts : 267
Points : 274
Join date : 2010-05-16

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  crazyabby on Wed May 19, 2010 7:34 pm

Ang cute mag-away ni Kenji at Athena Laughing
avatar
crazyabby
Fan

Posts : 35
Points : 37
Join date : 2010-05-15
Location : Bacoor, Cavite

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Thu May 20, 2010 7:00 am

Kenji’s POV

Athena Dizon. Yun pala pangalan niya.. may pagka mataray siya. at nakakairita. Hinde naman talaga ako nag intay ng ganun katagal eh.. siguro nung 1st day, 3 hours lang.. pero nung isang araw 1 hour lang. pero kahit na! Badtrip pa rin yun noh. Nag intay ako sa wala! Lalo na mali pa yung taong nasabihan ko! Nakakabadtrip talaga.

Pero masyadong maliit ang mundo, akalain mong kaklase ko siya ngayong taon? Sila pala yung bagong lipat sa school namin.

Hinde siya pangit.. sa totoo lang maganda siya, mas maganda siya kesa kay Athena..Abigail kasi walang naka lagay na makeup sa mukha niya. Mabilis siyang mairita kaya ang sarap niyang asarin. Kaya lang nakakaasar talaga pag naaalala ko yung pagiintay ko sa kanya. Sana kahit dumating man lang siya at sinabing hinde siya yung hinahanap ko ok lang eh, pero wala talaga! Ibang klase.


Ako nga pala si Kenji, 18 y/o half-korean half-filipino. Dito ako sa pilipinas ipinanganak, may mas matanda akong kapatid, 22 years old na siya, si ate Kendi. Dad ko pinoy, mom ko Korean, ewan ko ba kung bakit Kenji pangalan ko, eh pang hapon yun eh! weird lang siguro talaga daddy ko. madalas silang wala sa bahay, at dahil dun nag solo na lang ako. hinde kasi kami magkasundo ng kapatid ko eh. masyado siyang maingay!

Parang si Athena, napalabas kami dahil sa lakas ng boses niya, akala mo nakalunok ng megaphone eh! babae ba talaga to? Oh baka naman chiksilog?

Dahil nga sa lakas ng boses niya, napalabas kami ng room.

Naglakad ako pababa ng building at naririnig ko siyang sumusunod. Sigurado akong hinde niya alam kung saan siya pupunta para tumambay dahil bago lang siya. Sinadya kong lumabas ng eskwelahan para mabigla siya.

“Uy!! Teka, saan ba tayo pupunta?? Wala na tayo sa school oh!!” habang nakatalikod napangiti ako. alam ko kasing itatanong niya yan eh

“Bakit ka sumasama sakin? Hay nako. Tara, kumain na lang tayo. Mga 5 minutes away may kainan dito.”
5 minutes? SIGE INGAT! 10 minutes away pa yung kainan dito noh.

“Teka, pano mo nga pala nakuha number ko? pati pano mo nalaman yung MSN ko? pati yung family name ko?” masyado naman siyang matanong! Napakamot ako ng ulo ko na irita.

“Ang dami mo namang tanong! yung number mo binigay sakin nung kakilala ko, nung tinanong ko siya kagabi and sabi niya nagkamali kasi siya ng rinig sa apelyido. Yung surname mo naman, dun din sa taong nagbigay sakin ng number mo, pati yung kaibigan mo.. yung kaninang babae.”

Nakuha ko yung number pati MSN niya dun sa kaklase ni Athen-- Abigail. Masyado kasi akong naging bitter eh, binura ko number niya pero deep inside medyo alam ko pa rin. nung nakuha ko na yung number, medyo naalaal ko na, ‘eto nga yung number niya’ sabi ko pa sa sarili ko nun. Pero nung nagka letche letche na yung lahat, tinanong ko ulit kung tama ba yung number. Tapos it turned out na ibang Athena pala yung nabigay niya sa akin ang sabi niya pa ‘Tizon ba? Sorry, ibang Athena yung number na naibigay ko.’

“Sinong nagbigay ng number ko? Friend? Sinong friend? Si Sara?”

Yung surname naman, nakuha ko dun sa babae niyang kaibigan, yung maputi! Oo, Sara nga yung name nun. Tinawagan kasi ako nila Jigs nun para tumambay sa tabi tabi, sakto badtrip ako nun dahil sa pagiintay. Tapos nalaman ko lang na ibang tao pala talaga yung naka chat ko! hinde lang chat, pati text! Kasama nila yung babae dun at pinakilala nila sakin. Tinanong nila kung bakit parang badtrip ako tapos sinabi ko:

‘Dahil dun sa Princess Athena na yan!’ sakto sumagot yung babae na kilala niya raw yun at infact kaibigan niya. Tinanong ko kung anong pangalan, Athena Dizon daw. Yun ang istorya ng pagkakamali ng mga tao.

“Secret na kung sino yung nag bigay ng number mo. Oo, yun nga, nakasama namin yun nila Jigs at Kirby nung isang araw, yung pangalawang araw na PINAG INTAY MO KO. lintek. Eto na naman. Naaalala ko na naman yang intay na yan! Pag babayaran mo yung ginawa mo sakin na yun!!!” ipinaalala ko sa kanya. Ang sarap niya kasing asarin eh. ang daling mapikon! Akala mo wala ng bukas para maasar.

Para maasar siya lalo, nagsimula na akong tumakbo papalayo sa kanya, nagtago ako sa isang corner. Narinig ko na lang yung malakas niyang boses tapos tumalikod siya para bumalik sa loob ng campus.

Nasa likod niya lang ako sinusundan siya. nakakatuwa talaga siya. parang bata. Teka.. mali to. Dapat hinde ako tumitingin sa ibang babae.. pano na lang si Abigail? Hinde ko siya pupwedeng kalimutan na lang ng basta basta..

Nakita ko siyang lumapit kela Jigs, nagsmile siya bigla, napangiti rin tuloy ako. ngayon ko lang siya nakitang nakangiti. Pano ba naman puro simangot, sigaw at irap yung pinapakita niya sakin! Napakasunget na babae.

Pumunta sila ng canteen, after 5 minutes pumunta na rin ako dun, ayokong isipin nila na sinusundan ko si Athena, isipin pa nila trip ko siya.

Bumili na sila ng pagkain at dun sila umupo sa table namin. Nakikita ko na malayo pa lang yung mga tingin sa kanila ng mga tao sa paligid.

“Kenji, saan ka ba nanggaling?” napatingin si Athena sakin nung narinig niya yung pangalan ko, sigurado akong galit ung tingin na yun. kaya ang sarap niyang asarin eh. madali kasing mainis.


"Babes, bumili ka na ng pagkain mo tapos dito ka na maupo.” Tumayo siya sa kinauupuan niya at tumabi kay Athena. Gusto niya yang mataray na babaeng yan? Mga taste niya talaga.

Bumili na ako ng pagkain dahil gutom na gutom na ko. hinde kasi ako nakakain nung recess eh, nakita ko kasi si Abigail.. kasama niya si Lucas.

EH AYUN NGA, pagbalik ko sa table namin, kumakain pa rin sila, bale ang katapat kong kumain ay si Athena. Habang kumakain kami, biglang may sumipa ng paa ko

“ARAY!! ANO KA BA NAMAN!! BAKIT MO KO SINIPA?!” napatingin samin yung mga tao sa canteen.

Napatingin lang sakin si Athena, ang inosente ng mukha niya, parang wala siyang ginawang kasalanan.

“Anong ginawa ko sayo?” tanong niya, dala parin yung maamo niyang mukha.

“SINIPA MO KO!! HINDE MO BA MATANDAAN YUN?! ULYANIN KA NA BA?! HA?”


“Ang kapal naman ng mukha niyang sipain si Kenji!!”

“Sino ba siya para saktan yung prince charming natin?”

“B*tch.”
sabi ng mga babae sa paligid namin.

“Ay ikaw ba yun? Akala ko kasi bakal eh, ang tigas eh! nasaktan pa nga ko eh.. ouch..” tapos nakita ko siyang nag grin. Sinasadya niya nga yun!!

“HUMANDA KA SAKIN!”

“Babes, tama na.. hinde naman sinasadya ni Athena yun eh.” tapos tumingin siya kay Athena, “diba babes?” ngumiti lang sa kanya si Athena. NAG PACUTE PA SIYA KAY ATHENA! ANAK NG!

(witwew.. may nag seselols .. haha.. itutuloy mamaya.. XD.. I NEED READERS PA T.T.. salamat sa nagbabasa .. hehe.. )

Thanks!


Last edited by rOckpRiNEsS on Mon May 24, 2010 6:34 am; edited 1 time in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Thu May 20, 2010 10:22 am

nkkatuwa nman ang POV ni kenji XD Twisted Evil Laughing
post kpa ate .. Very Happy
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Thu May 20, 2010 11:06 am

@stella - hehe.. nttwa rn aq kay kenji eh.. XD
(post n nten ang nxt story)

“Kumain ka na lang Kenji.”

“MASAKIT KAYA! Kung sumipa siya parang kabayo eh!” nagtawanan yung mga babae sa loob ng canteen, pati si Sara napatawa.

“Pag pasensyahan mo nasi Athena Kenji, tinotopak na naman siya eh. ako na nag sosorry para sa kanya.” Tapos nag smile siya sakin.

Magkaiba sila ng ugali ni Sara. si Sara mabait, etong Athena na to masunget! Mas magkakasundo kami ni Sara kesa dito kay Athena.

Maganda lang siya, siguro matalino rin, pero hinding hinde ako mag kakagusto dito sa babaeng to. Kay Abigail pa rin ako babalik kung papipiliin ako sa kanilang dalawa. Ibang klase siyang babae eh.

(to the highest level na tayu,, XD,, i mean to the nxt chaptii Very Happy)

Chapter 4
Athena's POV
It’s been two days simula nung kumalat sa school nila na tawag ko sa prince nila ‘gangster’ wow, he’s not even qualified to be a PRINCE! My god. And oh yeah, it’s been 2 days.. two effin’ days since nung sinabi sakin ni Kenji yung kabayaran ko daw sa paghihintay niya.

“Alam ko na gagawin mo para mabayaran mo yung pag hihintay ko sayo.” I just stared at him, with a blank expression on my face. “You’ll be my toy. Dapat palagi kang susunod sa gusto ko. Kelangan maibalik mo sakin si Athena.”

“What if hinde ko siya maibalik?” nag smile siya sakin I don’t like that smile. Wait, that wasn’t a smile..GRIN yung ginawa niya eh.

“Edi ititigil na natin to. Hinde na kita magiging toy. Susuko na ako. pero hinde ako mabilis sumuko eh. Kelangan mapaselos natin si Athena, kelangan bumalik siya sakin. As a reward pag bumalik sakin si Athena, you can have Lucas.”

He’s freakin’ crazy, I know! I will be his toy?! Gagamitin niya ako para lang maibalik sa kanya yung ex niyang iniwan siya para sa ibang guy?! OMGSH! He must e crazy! Buong lunch inaavoid ko talagang mag cross yung landas namin. Ayokong magsolo kaming dalawa or magkasama. Hinde ko ata kayang makipag laro sa kanya, plus ang pangit nung game parang ang sama masyado sa part ko.

That effin gangster!!! Hinde ako pinalaki ng ganito ng dad ko para lang maging laruan niya! Eto tuloy ako, magisang nag-lulunch, nasa skyline lang tuloy ako (mini canteen) paano ba naman kasi! Nasa canteen silang apat (reffering to jigs, kirby, sara and kenji ito)

“Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap eh. iniiwasan mo ba ako?”

Sino pa ba.

I raised my head para makita ko mukha niya, “Iniiwasan? Ha? Hinde ha!! kumain ka na ba?” Obvious bang iniiwasan kita?

“Oo, tapos na.” hinila niya yung upuan sa tabi ko. aba, ngayon tumatabi na siya ng kusa sa akin. “Oh, bakit hinde mo na tinuloy pag kain mo? Kumain ka lang.”

“Hinde, ok lang. Busog na rin naman ako eh..” EFFFFF!!!! i’m not even done eating!!! F***in a! I’m so hungry pa naman! Hinde kasi ako sanay na pinapanood habang ako lang yung kumakain eh, unless si Sara, at yung family ko yung nanonood.

“Ahh, oo nga pala, saan mo gustong pumunta mamaya? August 18 ngayon oh, friday pa.. may gimik ka ba?” alam ko kung anong date ngayon, hinde ako coo coo brain na katulad mo.

“Uwi na kaagad ako after school. Wala akong plano ngayong araw eh, bakit?” nagsmile siya sa akin.

Nagpapacute na naman ba siya? Oo na. CUTE NA SIYA. EW.

Tumayo siya then he started walking away from me. What was that for? He asked me that question for nothing? Ang loser talaga niya.

“ATHENA! HINTAYIN MO AKO SA BACK GATE PAGTAPOS NG CLASS NATIN!” without looking at me he said that. Then he waved.

I’m pretty sure they all heard him!! OMGSH! What do I do?? His groupies might kill me! Baka balatan nila ako ng buhay! LORD HELP ME!

---------------------
chillax lang athena.. hehe.. salamat.. i22loy ko mamaya.. :]
enjoy

Thanks!


Last edited by rOckpRiNEsS on Mon May 24, 2010 6:12 am; edited 1 time in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Thu May 20, 2010 12:16 pm

balatan ng buhay Shocked XD
san kea cla ppnta ??
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Thu May 20, 2010 12:48 pm

blik tayu sa story, hehe

“Omg!! Narinig mo ba yung kanina? Nag-papaantay si Kenji sa kanya..”

“I know! Pero bakit naman siya? I mean.. pano na lang si Abigail?”

“OMG!! NARINIG NIYO NA BA NA SI KENJI MAY DATE MAMAY--


Nakita niya ata ako kaya tinigil niya yung pagsasalita niya.

Nakarating ako ng 4th floor at ako pa rin ang pinag uusapan.

“Is she dating Kenji?”

“Hinde pwede! Paano na ako?”

“After blank months nakipag date narin siya!”


Blank months? Gaano ba katagal yun? grabe, hinde ako tatantanan ng mga to, I swear lagot sakin yang Kenji na yan! I know he did it on purpose. He is such a meanie.. making my life more miserable.. I still have a loooong school year to go.

Buti na lang yung next class namin english, im so glad at hinde ko siya katabi! Pag english kasi may sariling seating plan yung teacher kaya I’M SO HAPPY! Ang katabi ko ay si Jigs and sa right niya si Grace. Medyo maagang natapos yung class, kasi masama yung pakiramdam nung teacher namin.

And ang last class ko ay yung Activity Period. Pero wala pa kaming sinasalihan na club ni Sara.
(activity period = school org/club/group, it only happens every Friday. You’ll pick your own club)

“Babes, anong org ang sasalihan niyo ni Sara?”

“Kelangan ba talaga naming sumali?”

“Ano bang ginagawa sa mga org na yan? Meron na ba kayong nasalihan?”
anong klaseng tanong yan Sara. Of course may nasalihan na sila, august na my dear..

“Yup!! Sali kayo sa org namin!! Para masaya sama sama tayo!”

“Sige! Athena dun na lang tayo sa club nila!” nag nod na lang ako, anong klaseng org ba yung sasalihan naming? Eh ni hindi nga sinabi samin ni Jigs kung ano yung club nila eh!

Habang nag aayos na ko ng gamit para pumunta sa room nung org nila Jigs lumapit sakin si Grace

“Oh may nasalihan na ba kayong org? kasi kung wala pa dun na lang kayo sa org namin.” Nag smile siya

“Meron na eh, dun sa org nila Jigs, im sure nandun din si Kenji.”
Nagsmile kami pareho. “Ano nga pala yung org mo?”

“Music Guild. Lahat ng mga mahilig sa music nandun, if ever mag bago isip mo, welcome ka palagi sa org namin, okay?” nag nod ako sa kanya

“Teka, ano nga bang pangalan nung org nila Jigs?”

“Barney and Friends”

WTF?! Sure ba siya na BARNEY AND FRIENDS yung name nung club nila?! Come on! Hinde ba sa grade school yung club na yun???

“Are you serious? Barney and Friends??? I bet konti lang members nun.”

She shook her head, “well, kung konti sayo yung 305..edi konti nga sila.”

“THREE HUNDRED FIVE?! Man, that’s a lot! ilan ba clubs dito?!”

“Hmm.. 15? I’m not sure.. wait… Tama. 15.”


Kung 450 students per year level tapos may 15 clubs, so 1800 to 15.. dapat 120 each lang diba? Bakit yung sa kanila 305?? Parang tatlong club na yun eh! let me guess.. majority nun puro babae.

“Wag ka na mag taka! Puro babae yung nandun. 50 lang yung mga lalake, yung 5 sa 305 kasama na sila Jigs, Kirby at Kenji dun yung dalawa, siyempre ikaw at si Sara.”

Counted na pala kami ni Sara sa 305! Pero kahit na! 303?! Ang dami parin nun eh! parang kung iisipin mo.. ang laki nung nahatak nila. Ay ewan. It doesn’t matter.

Sabay kaming lumabas ng room ni Grace, hinatid niya ko sa may tapat ng auditorium, sabi niya dito daw yung room ng club ko. since masyadong malaki yung group kaya dito raw nilagay.

Pagpasok ko ng room. Ang dami nga nila. Nakita ko si Kenji naka upo lang sa may gilid. Lahat ng babae tuwang tuwa, nakalabas yung cellphones nila at pinipicturan si Kenji.

------------------
itutuloy.. :> hehe


Last edited by rOckpRiNEsS on Mon May 24, 2010 6:36 am; edited 2 times in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Thu May 20, 2010 12:52 pm

anu keang gnagwa sa org na un?? Barney and friends lol! lol!
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Thu May 20, 2010 12:53 pm

stellaa wrote:anu keang gnagwa sa org na un?? Barney and friends lol! lol!
wait lang ng tatayp p q.. hehe.. easy lang .. nmiss mo si kenji? nmiss ko kase xia.. haha.. i22loy q lang ito.. :>

Thanks!

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Thu May 20, 2010 12:54 pm

rOckpRiNEsS wrote:
stellaa wrote:anu keang gnagwa sa org na un?? Barney and friends lol! lol!
wait lang ng tatayp p q.. hehe.. easy lang .. nmiss mo si kenji? nmiss ko kase xia.. haha.. i22loy q lang ito.. :>

Thanks!
hndi nman.. Very Happy c athena nmmiss q :>
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Thu May 20, 2010 1:06 pm

2loy na ntin i2.. hehe..
CONTINUATION:

“Nandito na pala si Athena eh!” ang layo layo ko pa lang, narinig ko na boses ni Sara.

Napatingin sakin si Kenji tapos nag wave siya. So nag wawave na siya sakin ngayon? Close na kami? Dapat pag ganun, bawiin na niya yung consequence ko!

“Babes dito!!” tinawag ako ni Jigs, tapos nag wave siya sakin.

“Babes?? Diba yun ang tawag niya sa mga close niyang tao?”

“Bakit siya babes ang tawag!”

“Si Jigs ba dinedate niya?”

“Buti na lang at hindi si Kirby!! Akin yun eh!”

“Sayo na talaga yun! Sakin si Kenji!”


Ano ba tong mga babaeng to, bago pa lang ako makarating kela Kenji natunaw na ko sa mga titig nila eh!

“Guys, you’re dismissed, you may go.”


That’s it?! Hinde sila nag didiscuss ng mga activities?! Ang weird naman ng napasukan kong club!! Sayang sa oras eh. sana umuwi na lang pala ako. nag bigay pa ko ng effort para lang pumunta dito!

“Tara na hahatid na kita pauwi.”

“ANO?! OK KA LANG?!” nag nod sakin si Kenji “BAKIT KELANGAN MO PA AKONG IHATID?!”

“Aray! Ang lakas ng boses mo! hinaan mo naman ng konti oh.” Eh nakakagulat naman kasi siya eh! ako pa ngayon may kasalanan? Bigla bigla na lang mag aalok sakin na ihahatid niya ko pauwi.. weirdo!

“Wag na, kaya ko naman mag lakad mag isa eh. Pati sabay naman kami ni Sara pauwi.”

“Sara?”

“Oo. Si Sar--"


Paglingon ko wala na si Sara. Saan kaya yun nag punta? Iniwan na naman niya ako! lagi na lang siyang ganyan, iniiwanan ako kay Kenji!

“Kanina pa siya umalis. Hinde mo siguro napansin. Tara na hahatid na kita.”

Tumayo siya at kinuha niya yung backpack niya sa sahig. Wala akong choice kung hinde ang sundan siya. Habang bumababa kami ng stairs naririnig kami yung pinaguusapan ng mga tao sa paligid. Hinde ba pupwedeng wag naman nilang ipahalata na kami yung pinag uusapan nila? Obvious eh. Sobrang obvious.

“Sikat ka talaga noh?”


“Siyempre. Ako pa.”

“Oo, mukha ka kasing gangster eh. mukhang hindi pag kakatiwalaan.” I mumbled.

“Ano? May sinasabi ka ba?”

Nagsmile ako sa kanya, “Wala noh. Ano ka ba. Tara! Samahan mo ko mamaya ok?” nag nod lang siya.

Paglabas namin sa back gate mas dumami yung ingay na narinig ko.

“Totoo ba to?! Hinde diba? nagkataon lang magkasabay silang nag lalakad!”

“Bago pa lang siya tapos tatlong lalaki na kaagad dinedate niya?!”

“Akala ko ba si Jigs?!”


When will they stop? Seriously, it’s irritating. Everywhere! They’re everywhere!! Sana sa bahay tahimik na!!

“Intayin mo ko sa may tapat ng gate, puntahan ko lang sila Jigs, ok?”

“Ano ako!? katulong mo?? pagiintayin mo ko dito mag isa??” tinitigan niya ko ng masama. Ayoko yung titig na yun. “Sige. Bilisan mo ha..” wala na akong magawa. Ayoko naman masapak ng di oras! Alam niyo naman si Kenji, bayolente! Baka bigla na lang akong sapakin niya pag may mali akong nagawa.

Habang nag-lalakad ako papalabas ng gate may bumangga sakin na babae. That caused my books to fall. Pano ba naman hinde kaya ng backpack ko. mini backpack lang to, tipong 2 notebooks at maliliit na bagay na ang pupwede. Kaya hawak ko tuloy yung 2 libro na dala ko.

Pupulutin ko na dapat yung books ko pero biglang may nag bend na lalaki at pinulot ito.

“Sayo ata to.”


Last edited by rOckpRiNEsS on Mon May 24, 2010 6:18 am; edited 1 time in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Thu May 20, 2010 1:11 pm

cnu un? Suspect
bgong sikat nnman ata XD Laughing Laughing
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 2 of 8 Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8  Next

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum