She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Page 3 of 8 Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8  Next

View previous topic View next topic Go down

She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Sat May 15, 2010 11:29 pm

First topic message reminder :

Color Coding:
† Athena Dizon (17)
† Grace Matic (18-19)
† Kenji delos Reyes (18-19)
† Nathan Dizon (20)

† Lucas Lazaro (18)
† Carlo Paez (15)

† Athena Abigail Tizon (18)
† Athena's parents

† Sara Jung (17)
† Kenji's family

† Jigs Bala (18-19)
† others
† Kirby Araneta (18-19)


Prologue
love is happiness...

love is smiling when you hear that person's voice...

love is the butterflies in your tummy no matter how many times you see that person...

love is when you look at them and smile for no reason...

love is seeing an imperfect person perfectly...


love is painful..

love is hard...

love is sacrifice..

love is sadness..

“Can I live without the happiness? Can I live with that sadness? I don't know...I don't know anything anymore”

I remembered that once I fell in love with a Gangster. I don't know how and when it happened. But I do remember saying that

"I have fallen for this one of a kind stupid gangster. Oh wait, let me that. I LOVED this stupid gangster.. I gave him happiness while he gave me suicide in return. I know, It sucks. But I never regretted loving him in the first place, well… maybe I did."

I also remembered loving everything about him ncluding his flaws.. Friends told me that we met in a very spontaneous way.. And then everything happened so fast..

But... Who's this gangster?? I know two gangsters but..

Which one am I dating?


Last edited by rOckpRiNEsS on Sat Jul 03, 2010 9:20 am; edited 4 times in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down


Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Thu May 20, 2010 1:23 pm

cnuh yan? XD ito na! XD.. let's find out!..
-----------
OMG. Ang gwapo niya! matangkad siya at malinis tingnan.. nagbow ako tapos nag thank you sa kanya. Nag smile lang siya. grabe.. ang gwapo talaga niya. Pero ibang uniform yung suot niya.. hinde siya taga rito!!

“Sige, mauna na ko..” nag nod lang ako

Hinde ko man lang natanong name niya! Siguro magkikita rin kami niyan dito, maliit lang mundo namin dito sa BF eh.

“Nakita mo ba si Lucas?!?! Ang gwapo niya!! Sinundo niya pa si Abigail sa loob ng school! ang sweet niya!”

Lucas? Familiar yun sakin ha.. sino nga ba yun? Oh well. Malalaman ko na lang yan next week. Teka, ang tagal naman niyang Kenji na yan! San ba siya nag punta?!

Maya maya, may kotse na huminto sa tapat ko, ano ba to. Nag papasikat pa sakin. Wala akong interest sa mga lalaking may kotse. May kotse din naman kami eh. Pwede ba!

“HOY! Pumasok ka na!”

Pagtingin ko si Kenji pala yun, may kotse siya? diba highschool lang siya?! ilang taon na ba yan??

Binuksan ko yung pintuan ng kotse at pumasok. Tinuro ko yung daan sa bahay namin.

“Malapit lang pala bahay niyo eh. akala ko naman malayo!”

“Oo nga. Mga 15 mins pag nilakad, 5 mins pag drive, kasama na traffic”

“Ang ibig kong sabihin malapit sa bahay ko.” bahay niya!? Malas nga naman talaga.

“Susunduin kita ng mga 4 pm. 3:45 pm pa lang, magpahinga ka muna ok?”

“Anong klaseng pahinga gagawin ko sa 15 minutes!? Pati marunong ka ba mag basa ng oras? 2:45pm pa lang! sasusunod wag ka na mag suot ng watch. Napapahiya ka lang eh!” bumaba na ako ng kotse, baka bigla niya akong sampalin dahil napahiya siya.

“4 ok? pag hinde ka pa nakahanda ng 4 lagot ka sakin!!”

Pumasok na ako ng bahay at nag pahinga. Ano ba tong pinasok kong gulo! Sana naman matapos na to, bumalik na sana yang Abigail na yan sa pesteng lalaking yan! Nasisira buhay ko sa kanila eh!

4:00 pm na, buti na lang at nakaligo at bihis na ko. Simple lang sinuot ko, mini skirt at shirt lang. baka kasi isipin niyang Kenji nay an nag papaganda pa ako sa kanya! Pwes nag kakamali siya. ipapahiya ko siya sa mga taong makakahita sa amin!

Nagpasama ako kay Kenji sa parlor, magpapagupit ako at mag papadye ng buhok, sabi kasi ni Nathan oppa, kelangan ko na raw magpagupit, masyadong mahaba na raw yung buhok ko kaya nag mumukha raw akong manang. Gusto niya rin magpabangs ako at mag padye ng buhok, gusto niya raw pag uuwi siya sa BF maganda na raw ako tingnan! Sinunod ko gusto niya kasi 1 month ko na siyang hinde nakikita, kahit nasa QC lang siya bihira na siyang umuwi.

After 2 hours na tapos na rin yung buhok ko! Nagbayad na ako tapos lumapit ako kay Kenji, kung saan nag lalaro siya ng cellphone habang naghihintay.

“Bagay ba?” unit unti niyang inangat yung ulo niya tapos

Tumawa.

“Ano ba yan! Mukha ka ng asian! Pareho na tayong asian Tara na!”

“BWISET! ANG STUPID MO TALAGA! MUKHA TALAGA AKONG ASIAN KASI ASIAN AKO! COO COO BRAIN!” Napaka walang kwenta nitong taong to! mukha raw akong asian?! malamang!! asian kasi ako! magkamukha kami?? pwede ba! ang pangit niya noh!!

Nagmadali akong lumabas ng salon. Si Kenji naman nasa likod ko. habang nag lalakad kami may 3 lalaking humarang samin

“Aba. Si Kenji may girlfriend na. Maganda siya ha.” napatingin ako kay Kenji, kilala niya siguro tong mga to, kasi naka smile siya eh.

“Anong pangalan niya? Maganda siya ha.”

“Athena. Hinde ko siya girlfriend. Pwede ba, tumabi na kayo.”

Hinawakan ni Kenji yung braso ko tapos hinila ako papalayo sa kanila. Narinig kong sumigaw yung isang lalaki at biglang sinuntok si Kenji. Tinulak ako ni Kenji sa may gilid nung kotse. Eto yung first time na nakita kong nakipag away si Kenji. Nagulat ako nung lumapit sakin si Kenji na halos walang galos sa mukha, yung tatlong lalaki nakita kong tumakbo.

“Sorry, hinde ko naman alam na dadating yung mga yun eh. hayaan mo hinde na mangyayari.”

“Ok lang.. tara na.. baka bumalik pa sila eh.” OK LANG?! HINDE OK YUN!!! NAKA WITNESS AKO NG ISANG SUNTUKAN! NANONOOD ANO NG MOVIE NA MAY SAPAKAN PERO AYOKONG MAKAKITA NG GANUN HARAP HARAPAN NOH!!

Sumakay kami ng kotse at nagpunta ng mall.

Wala naman kaming ibang ginawa dun kung hinde mag ikot ikot. Nag dinner din kami dun. Paghatid niya sakin sa bahay, nakita ko si Sara, hinihintay na ko. nagtanong siya kung anong nangyari sa date namin. Date?! Pano naging date yun? nakipag suntukan sa tapat mo yung tao! Pwede ba, it’s not considered as a date!

Saturday and Sunday wala masyadong nangyari, pumunta lang si Kenji saglit para bwisitin ako, eto naman ako nagpabwiset. Nagdeicde na rin si Sara na lumipat na sa totoong room niya, since kelangan daw naming pareho ng privacy. Privacy of what? Oh well.

Monday na naman. Makikita ko na naman si Kenji mabubwiset na naman ako sa pagmumukha niyang nakakadiri.

Paakyat pa lang ako ng room, naririnig ko na naman yung walang katapusan na paguusap ng mga tao. I’m sure ako yun, pagkadating ko sa tapat ng classroom namin

“Narinig niyo na ba yung news?!”

“Is it true???”

“Na what??”

“They’re dating!!”

“Kenji and--“

“YES! IT’S TRUE!” sabi ni Sara. Ano yung totoo?

Napatingin yung 7 na babaeng classmate namin na naguusap.

“Na?” sabay sinabi nung 7 girls.

Nagkatinginan si Sara at Grace tapos nag smile then tinuro ako

She's Dating The Gangster .

im dating the what?!

itutuloy po either bukas or mmya.. hahaha[b]


Last edited by rOckpRiNEsS on Mon May 24, 2010 6:42 am; edited 1 time in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Thu May 20, 2010 1:29 pm

mhilig c athena sa word na bwiset Laughing
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Thu May 20, 2010 1:37 pm

haha.. Ngayun ko n b itutuloy or bukas n? XD or never na ? Haha.. @Stella- hehe, npnsin mo pla yun? XD

Thanks!

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Thu May 20, 2010 1:38 pm

rOckpRiNEsS wrote:haha.. Ngayun ko n b itutuloy or bukas n? XD or never na ? Haha.. @Stella- hehe, npnsin mo pla yun? XD

Thanks!
ngaun :$ Very Happy
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Thu May 20, 2010 1:41 pm

XD, ok wait Lang type muna ako.. XD

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Thu May 20, 2010 2:16 pm

Chapter FIVE

The whole class knows that I’m dating that stupid gangster! EW. I still have my taste noh. Kenji’s not coming to school so I ended up not attending the 2nd period. I told my teacher that my head hurts badly and I cannot take the pain anymore, it’s starting to kill. He believed me of course. I’m good in acting. The sad thing is.. I LIED FOR THAT COO COO BRAIN!

Calling..
CROO CROO

“ANO?!”
“ARAY! Wag ka ngang sumigaw! Nasan ka na?”
“Palabas na ng gate.”
“Bilisan mo nga! Patay ka sakin pag wala ka pa dito ng 1 minute!”

He hung up the phone! I’m supposed to do that to him! Not the other way around.

I ran to the backgate and saw him leaning on the wall. He’s smoking again!!

“Tigil mo nga yan!” lumapit ako sa kanya at kinuha ko yung yosi sa bibig niya.

“Anong problema mo? Wag mo ngang pakialaman yung buhay ko, kung umarte ka akala mo girlfriend kita eh.”

He got me there. Bakit nga ba ako nangingialam eh sino ba siya? Die for all I care. @assh*le.

“Tara, date tayo ngayon.” he said coolly then hinawakan niya yung wrist ko at hinila.

DATE?! ON A MONDAY MORNING?! HELLO?! I ditched my class para lang makipag date sa kanya? He’s not even worth dating for. >_<

“PWEDE BA! ALAM MO BANG KUMALAT NA NAG DADATE TAYO SA SCHOOL?! KAYA KA SIGURO INIWAN NI ATHENA DAHIL ANG PANGIT NG UGALI MO!! UUTUSAN MO YUNG TAONG MAG SINUNGALING SA TEACHER PARA LANG MAKIPAG DATE SAYO!” napahinto siya sa paglakad, hinigpitan niya yung pag hawak wrist ko

Uh-oh. I made him mad. I was not supposed to say that.

“Ano bang alam mo!? Ha?!” I’m pretty sure galit siya sakin. All I can do was to look down. “Pag bibigyan kita ngayon since sinunod mo ko, pero pag naulit ito lagot ka na sakin!”

Binitawan niya ako then nag start na ulit siyang mag lakad. Ganun ba siya naapektuhan sa sinabi ko? since alam kong kakainin ako ng buhay ng mga Barner and Friends ilalaga ko na sa list ko na wag siyang galitin

1. NEVER mention Athena.
2. NEVER make him mad
3. Obey him… >_<

For 18 minutes nag lalakd lang kami sa loob ng village. Saan ba kasi kami pupunta??

“Uhh. Kenji, san ba tayo pupunta?”


“Arcade.”


“May arcade sa BF??”

“ANG KULIT MO! SAAN PA BA?? SA ALABANG?!”

“Malay ko ba! Ang init kaagad ng ulo eh! highblood ka ba?”

“EWAN KO SAYO! WAG MO KO KAUSAPIN!”

Ang sunget niya talaga! Bakit ba bigla na lang siyang naging demonyo??? Ang bait niya sakin nung Friday eh! tapos ngayon binabawi na niya ulit yung maganda impression ko sa kanya! Ang weird talaga ng ugali niya! Bi-polar siguro siya!

Tuloy tuloy pa rin siya sa pag lalakad. Wala naman atang arcade dito eh! pinapagod niya lang ako! Nakakita ako ng building sa kabilang street. Sana nag trike na lang kami papunta dun! Mas mabilis pa!

Pumasok si Kenji sa building kaya pumasok na rin ako. sa loob maingay, may arcades nga. Dito ba pumupunta mga nagdiditch ng class? Kasi kung madalas dito si Kenji edi siguro nga dito nagpupunta yung mga nag cucut.

Bumili siya ng token at umupo sa isang game machine. Tekken yung game.
Paglapag ko ng libro ko sa my upuan, “Pwede ka ng pumasok. Sige alis ka na!”

“ANO?! Nagpahatid ka lang sakin dito??” habang nakalagay yung mga kamay ko sa waist ko.

Nag nod lang siya habang nakatingin sa nilalaro niya.

OMG! Ang kapal naman ng mukha niya!! Nagpahatid lang siya sa akin dito?! Ano ako?? Yaya niya? Ang tagal tagal naming naglakad tapos eto lang mapapala ko? Papaalisin na niya ako?

Lumabas ako ng Planet Games (name nung arcadan)

“Ang kapal talaga ng mukha niya! Pagtapos niya akong paglakarin ng mahigit 30 minutes eto lang aabutin ko??” nag lakad ako papalayo sa PG (planet games)

“YUNG BOOKS KO!!” tumakbo ako papasok ng PG at lumapit kay Kenji

“Oh bakit bumalik ka? Namiss mo na kaagad ako? Maupo ka nga.”

“Nakalimutan ko lang yung mga libro ko! babalik na ko ng school. sige, mauna na ko.”

“Sige ingat!” sinabi niya yun ng nakatingin sa game niya

SIGE INGAT?? Hinde man lang ba niya ko ihahatid? Ganun ba siya ka-manhid?! Grabe ibang klase na talaga tong taong to! Bastos, mahilig makipag away, hinde gentleman, walang respeto, ano pa?? Diba katangian na yun ng isang patapon na bata? Tingnan niyo pa yung itsura niya! Ang daming butas sa tenga, may stud pa siya sa may gitna ng lower lip at baba niya, may kulay pa buhok niya.. well hinde naman buong hair, may part na black and may bleached part din. Ang haba pa! Not naman mahabang mahaba.. typical Korean style. Well can’t blame him, he looks like one.. or maybe he’s a Japanese. Never asked him sorry.

“Sige, bye.” kinuha ko yung books ko sa tabi niya then I turned my back tapos nagsimulang mag lakad.

“Teka, maya ka na umalis, we’re playing here.. remember you’re my toy.”

English yun ha! lumapit ako sa kanya tapos umupo sa tabi niya.

“Nag-eenglish ka na ata ngayon ha!”

“Nakakahawa ka eh. Nakapitan na ko ng virus mo. Wag kang magalala nagpa-injection na ko ng anti-virus. Safe english ko.” then nag smirk siya.

Nilabas ko na lang iPod ko tapos nilagay yung head phones sa tenga. Hanggang kelan ba kami mag tatalo ng ganito?

30 minutes na akong nakikinig sa iPod ko at hinde pa rin siya tapos mag arcade, tinigil ko na nga ang iPod at nag cellphone naman ako. Buti na lang at may dinownload akong games dun kung hinde sobrang bored na ko.

After 10 minutes ng pag lalaro ng cellphone hinde ko na kinaya yung boredom! Nag laro na lang rin ako ng arcade. Nakakaasar naman pala tong kasama! Once na naharap sa tekken hinde na mapapahinto! Buti na lang at may tetris sa tabi ng tekken niya!

After 1 hour and 20 minutes na paglalaro ng tekken at 20 minutes ng tetris

“Tara, kumain na tayo.”

“FINALLY!” nauna na siyang lumabas ng PG at ako naman nag madaling habulin siya.

“Uy intayin mo naman ak…o.”

Nakita ko siyang nakatayo ayoko siyang lapitan kasi may kaharap siyang lalaki at babae. Mukhang magboyfriend/girlfriend sila kasi nakalink yung arm nung girl dun sa guy. Nakita kong nag smile sa kanya yung girl

“Hi Kenji. Musta na? Hinde na kita masyadong nakikita sa school ha.” School? schoolmate ba namin siya?

jusko, sinu kaya ito?? amff. hehe


Last edited by rOckpRiNEsS on Mon May 24, 2010 6:43 am; edited 1 time in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Thu May 20, 2010 2:35 pm

nxt n tau? sorry nakaka excite ito.. XD.. back to story.. cnu un? let's find out!

Tiningnan ko siya ng mabuti, naka uniform siya.. white blouse na maiksi yung sleeves, tapos mini skirt na blue na checkered, may blazer din siya.. schoolmate nga namin siya, pero bakit hinde ko pa ata siya nakikita? Duh! Sa dami ba naman ng students dun pano ko pa siya mapapansin noh.

“Ok lang. Masyado kasi akong naging busy eh. ikaw, kamusta ka na?”

“Ok lang naman ako, eto masaya naman ako kay Lucas.”

Lucas..? Saan ko nga ba narinig yun? Familiar eh..

“Ah ganun ba, ay oo nga pala, nakalimutan kita ipakilala kay Athena, Abigail.”

ABIGAIL?! OMG SHE’S THE GREAT ABIGAIL?! ATHENA ABIGAIL!? LUCAS.. YUNG BOYFRIEND NIYA!!

Lumapit ako sa may tabi ni Kenji, nag smile ako tapos nag-bow sa kanila.

Napatingin ako dun sa lalaking katabi ni Abigail, then I pointed at him

“Uy! Ikaw pala! Thank you nga pala nung Friday ha.” Of course, hinde ko siya makakalimutan! Pag gwapo hinde ko mabilis makalimutan eh..

“Friday? Anong nangyari nung Friday?” sabay na tinanong ni Kenji at Abigail

Nagsmile yung lalaki, “Wala. Nabangga kasi siya tapos nahulog yung gamit niya. Kaya tinulungan ko siyang pulutin yung mga gamit niya.”

“Ah. Oo nga pala, boyfriend ko, si Lucas.”

LUCAS?! Siya si Lucas?! OMG! GWAPO NGA SIYA TALAGA! Hinde ako magtataka kung bakit iniwan ni Abigail si Kenji kay Lucas, first, gentleman si Lucas, second mukhang mabait, third GWAPO!

Ang liit nga naman talaga ng mundo oh, sa iisang araw nakilala ko yung intriguing couple.

“Hi!” tapos nag smile ako.

“Kenji, ano mo siya?”

“Ah, Abigail, siya si Athena.. girlfriend ko.”

Ano daw??? Paki ulit nga.. ano niya ako??

"Ha? " tanong ni Abigail na parang hinde rin sure sa narinig niya.

“Girlfriend ko..si Athena.” And then he held my left hand tapos tumingin sakin, “Babe, meet Abigail.” Then he smiled

GIRLFRIEND?! BABE?!?!?! At kelan pa naging kami!?! May pa-hawak hawak pa siya ng kamay!! EW! Ang plastic na niya masyado. Pa-babe babe pa siya dyan! YIKES!

Hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko. ARAY HA!

“Hi Abigail. Nice meeting you, I’ve heard a lot of things about you.” Tapos nag smile ako, nag smile din siya.

“Talaga? Baka naman sinisiraan ako sayo ni Kenji ha.” nag smile siya, tapos tumingin kay Kenji,”totoo pala yung balita sa campus, may dinedate ka na nga.. well goodluck sa inyo..”

Mukha naman siyang mabait. Pretty siya, I mean yeah.. maganda siya. malakas dating niya. Kahit ako hinde ko aakalain na ganito pala siya sa personal. Parang pag tinabi mo siya sakin, I’ll look normal. Pero siya kahit sa uniform na suot niya, may dating parin siya.

“Sige Abigail, mauna na kami.” Sinabi niya yun habang nakatingin kay Lucas. Ano na namang problema niya? Wala naman ginagawa sa kanya yung tao ah!

Nagbow ako tapos nag smile. Teka, ngayon ko lang napansin, bakit nga ba ako nagbobow? Hinde naman tradition dito sa Philippines ang pag bow eh.. hinde naman diba?

Habang naglalakad kami papalayo kela Abigail at Kenji biglang binitawan ni Kenji kamay ko.

“Sa susunod wag mo akong hayaang hawakan yang kamay mo!! nakakadiri eh. parang humawak ako sa isang basura!” BASURA?!

“HOY! ANONG GIRLFRIEND ANG PINAGSASABI MO DYAN?! AT PA BABE BABE KA PA DYAN! KADIRI KA! AND F-Y-I, IKAW ANG HUMAWAK SA KAMAY KO!!!”

“Hinaan mo nga yang boses mo! maririnig nila tayo eh!! Wag ka na magalit! Wala na nangyari na eh! Maki-ride ka na lang!”

“Hinde! Sasabihin ko sa kanya yung totoo bukas! Ayoko nga ma-link sayo noh! HINDE KITA PWEDENG MGAING BOYFRIEND! AYOKO SA ISANG GANGSTER!”

“Sorry ka na lang.. GANGSTER ang magiging boyfriend mo, sa ayaw at gusto mo! kung tatanggi ka at sasabihin mo kay Abigail yung totoo, baka gusto mong kainin ka ng buhay ng Barney and Friends.”

KAKAININ AKO NG BUHAY?! Wait.. 305 yung Barney and Friends.. minus 5.. 300?! NOOOO!!!

“FINE! Pero in one condition..”

“Ano yun?”

“Pwede mo hawakan kamay ko.. pero bawal mo ko i-hug.. ay teka, sige pwede na rin hug, but you’re not allowed to kiss me!”

Tumingin siya sakin, “Para namang gusto kong gawin yun” then he grinned and started walking.

As of August 21, 2006, I’m officially the gangster’s girlfriend. This is the end of my life.

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Thu May 20, 2010 3:16 pm

ang saklap ng buhay mo athena XD tsk3 Razz
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  crazyabby on Thu May 20, 2010 11:20 pm

Sapilitan. Surprised
madedevelop din yan. Smile
hihintayin ko yun.
avatar
crazyabby
Fan

Posts : 35
Points : 37
Join date : 2010-05-15
Location : Bacoor, Cavite

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Fri May 21, 2010 12:13 am

Chapter SIX

Kenji’s POV
Nakakatamad pumasok ngayon anak ng. Monday na Monday tinatamad ako! Ganun lang talaga, sanay na rin naman sila sa akin eh. pati wala silang magagawa.. ako ata ang batas!

Tinext ko si Kirby at Jigs, sabi ko wag na silang pumasok at mag kita na lang kami sa tapat ng gate. Pero ang nireply nila, ‘nasa school na ko’ AMP! Sabay pa sila! bakit an gaga ata nilang pumapasok ngayon? Sa bagay, sila naman talaga yung masipag saming magkakaibigan eh. Tch. Masipag na, matalino pa! Ako rin naman matalino eh.. ay magulang lang ata ako

“AMP naman! Sinong makakasama ko ngayon??” nagisip ako ng pupwedeng itext.

Napabangon ako ng kama dahil naalala ko si Megaphone.

‘Susunod naman siguro siya sa akin’ sabi ko sa sarili ko.

“Susunod yan!!” nagmadali akong maligo tapos nag bihis ng uniform ko.

Tinext ko siya habang naglalakad papuntang school

To: MEGAPHONE

Wag ng pumasok sa next subject.

-Kenji


After 5 minutes nag reply siya, aba nakakapag text siya sa class?? Matindi manghuli yung Math teacher namin eh!

From: MEGAPHONE

I can’t. Nakapag attend na ko ng first subj. Mahirap na mag-ditch ng class after eh. Why?

Nagtanong pa amp! Nakakairita talaga tong babaeng to!

To: MEGAPHONE

Wag ka ng mag tanong. gumawa ka ng paraan para makaalis ng school. Magdrama ka kung kinakailangan. Iintayin kita. Pag hinde ka dumating lagot ka sakin.

AYAN! 5 minutes na lang at nasa school na ko, ang kelangan ko na lang gawin ay tumakbo.

Inintay ko siya sa backgate, 2 minutes na akong nag iintay at wala pa rin siya! eto ang ayoko sa lahat eh. Pinag iintay ako. kaya tinawagan ko siya. Palabas na raw siya. Sumunod siya sa akin. Ayos yun ha. dapat lang naman siyang sumunod eh.

Tinanong niya sa akin kung anong problema ko, problema? Wala. Tinatamad lang talaga akong pumasok. Kaya niyaya ko siya makipag date. Pero nung sinabi ko na yung word na ‘date’ nag alboroto na yung bibig niya!

“PWEDE BA! ALAM MO BANG KUMALAT NA NAG DADATE TAYO SA SCHOOL?! KAYA KA SIGURO INIWAN NI ATHENA DAHIL ANG PANGIT NG UGALI MO!! UUTUSAN MO YUNG TAONG MAG SINUNGALING SA TEACHER PARA LANG MAKIPAG DATE SAYO!”

Yan ang mismong sinabi niya. GALIT eh. medyo naasar ako ng konti sa kanya, kasi magsasabi siya ng kung anu-ano pero wala naman siyang alam sa amin. Kaya nag panggap na lang ako na nagalit at sinabing papalipasin ko yung nangyari ngayon. Wala ako sa mood makipag talo sa kanya, gusto ko lang magsaya.

Dinala ko siya sa PG (planet games) arcadan yun, halos nandun na lahat, tambayan, may mga computer din tapos arcades. Meron din ps2, xbox at kung ano ano pa sa PG. halos lahat ng mga nag cucut dun pumupunta, madalas kami dun nila Jigs at Kirby, dahil samin mlaki kita nung PG.

Naglaro ako ng Tekken at siya nakinig lang sa iPod niya, tapos nag cellphone at biglang naglaro ng tetris sa tabi ko. nung niyaya ko na siyang kumain tumayo na ako at nagsimulang mag lakad papalabas ng PG

“Uy intayin mo naman ak…o.” napansin niya sigurong may tao sa harap ko kasi hinde siya tumabi sa akin.

‘Bee..’ sabi ko sa sarili ko.

Hinde madalas magkabangga ang landas namin ni Abigail at Lucas. Lalo na’t harap harapan pa talaga.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa

“Hi Kenji. Musta na? Hinde na kita masyadong nakikita sa school ha. ” tapos ngumiti siya

Paano nga naman niya ako makikita eh, kung hinde ako late, hinde ako pumapasok. Ano pang aasahan niya sa akin? Maaga lang akong papasok kapag may basketball practice. Tuwing Tuesdat at Thursday lang naman yun eh.

“Ok lang. Masyado kasi akong naging busy eh. Ikaw, kamusta ka na?”

“Ok lang naman ako, eto masaya naman ako kay Lucas.”


‘masaya naman ako kay Lucas..’ nasa mukha nga niyang masaya siya.. sana pala hinde ko na lang tinanong.

“Ah ganun ba, ay oo nga pala, nakalimutan kita ipakilala kay Athena, Abigail.”

Pano pag tinanong niya ako kung ano ko siya? anong sasabihin ko? kapatid? Hinde alam niyang isa lang kapatid ko mas matanda pa sa akin. Eh pinsan kaya? Paano ko naman siya magiging pinsan? Eh hinde nga kami magkamukha oh.. bahala na nga!

Lumapit sa tabi ko si Athena, tiningnan ko siya parang medyo nagulat siya sa mga narinig niya. Siguro nagulat siya kasi hinde niya aakalaing yung nasa harapan niya at si Athena Abigail..

Ngumiti siya sa kanila at nag bow. Bakit siya nag bow?! Anong feeling niya? Nasa contest siya?

“Uy! Ikaw pala! Thank you nga pala nung Friday ha.” sinabi niya yun habang nakatingin kay Lucas. Anong meron nung Friday? Magkakilala sila?

“Friday? Anong nangyari nung Friday?” sabay pa naming tinanong ni Abigail.

Ngumiti si Lucas, “Wala. Nabangga kasi siya tapos nahulog yung gamit niya. Kaya tinulungan ko siyang pulutin yung mga gamit niya.”

Napansin kong medyo tumaas yung kilay ni Abigail, pag ganun medyo naiirita oh naaaasar siya sa tao eh. ibig bang sabihin na-irita siya sa pagtulong ni Lucas?

“Ah. Oo nga pala, boyfriend ko, si Lucas.”
Ang sabi niya kay Athena.

Napatingin ako kay Athena, parang nagulat na naman siya. ano ba tong taong to! Hinde ba to sanay sa mga ganitong pangyayari?

“Ah. Oo nga pala, boyfriend ko, si Lucas.” Ang sabi niya kay Athena.

Napatingin ako kay Athena, parang nagulat na naman siya. ano ba tong taong to! Hinde ba to sanay sa mga ganitong pangyayari?

“Hi!”
tapos ngumiti siya kay Lucas.

“Kenji, ano mo siya?” Eto na nga ang kinakatakutan kong tanong.. anong sasabihin ko sa kanya? Bahala na!

“Ah, Abigail, siya si Athena.....girlfriend ko.” GIRLFRIEND?! BAKIT YUN YUNG NASABI KO?! ANAK NG! AMP NAMAN! Wala na to. Hinde na pupwedeng bawiin. Kelangan ko na lang tong panagutan.

“Ha?”

“Girlfriend ko..si Athena.”

Hinawakan ko yung kamay ni Athena, tapos tumingin sa kanya, “Babe, meet Abigail.”

Alam kong kokontra na siya sa mga sinabi ko kaya hinigpitan ko yung hawak ko sa kamay niya. UMOO KA NA LANG AMP!

“Hi Abigail. Nice meeting you, I’ve heard a lot of things about you.” Pag sabi niya nun humarap na ko kay Abigail, nag smile siya kay Athena.

“Talaga? Baka naman sinisiraan ako sayo ni Kenji ha.” sinisiraan? Bakit niya naman iisipin yun! kahit ano pang gawin niyang mali.. hinde ko siya sisiraan.. puro katotohanan lang sasabihin ko.

Tumingin sa akin si Abigail, “totoo pala yung balita sa campus, may dinedate ka na nga.. well goodluck sa inyo..”

Nagsmile na lang ako sa kanya tapos nag bye. ayoko na pahabain pa yung usapan. Lalo na’t nakikita ko yung Lucas na yan!

Habang papalayo na kami ni Athena nagsimula na naman siyang sumigaw! Anak ng! etong babaeng to wala ng piniling lugar sa pag sigaw! Lagi na lang niya akong pinagtataasan ng boses kahit wala naman akong ginagawang masama! Ano naman kung ipakilala ko siyang girlfriend ko kay Abigail? Dapat nga matuwa siya eh! dahil maraming babae ang nagkakandarapang maging girlfriend ko, at sa dami ng mga yun, siya pinili ko!

Sa dulo ng pagtatalo namin, napapayag ko rin siya sa plano namin. Siyempre, matatanggihan niya ba ang 300 members ng Barney and Friends? 300 lang kais minus ako, si Jigs, Kirby, Sara at Siya. Yung 300 na yun kayang gawing impyerno ang pag stay niya sa school.

At siyempre hinde matatapos ang usapan ng walang kondisyon. Ang kondisyon niya? “Pwede mo hawakan kamay ko.. pero bawal mo ko i-hug.. ay teka, sige pwede na rin hug, but you’re not allowed to kiss me!”

Para namang gusto kong halikan siya! Pero naisip kong hinde dapat ako mag salita ng tapos.. paano na lang kung kelangan kong gawin yun? kelangan ko rin magsinungaling sa kanya para lang mapapayag siya.

Kinabukasan nun, kumalat kaagad sa school yung tungkol sa amin ni Athena. Ang bilis nga naman makalipad ng balita. Para lang kaming artista na live yung tabloid eh. hinde na kelangan ng interview.

Dalawang linggo na ang nakalipas at hinde pa rin nag-iimprove yung relasyon namin ni Athena, palagi pa rin siyang sumisigaw at nag wawalk out! Siyempre parati pa rin kaming nag-aaway! Hinde ko alam kung bakit palaging ang init ng ulo niya sa akin! Isang beses tumingin lang siya sa akin tapos kung ano ano na yung pinag sasasabi! Ang nakakasar pa dun pag tatanungin ko siya kung ano yung sinasabi niya ang sasabihin niya lang “WALA!!!!!” hinde ka ba naman ba maasar!

“Kenj, nandito ka lang pala! kanina ka pa namin hinahanap eh.”

“Kasi naman yung psycho na yun eh! pag nakikita ako lagi na lang may sinasabi! Wala naman akong ginagawang masama!!!!”


“Babes dapat kasi lambingin mo si Athena. Tingnan mo kami ni Kerb, ok naman kami pareho sa kanya eh.”

“Oo nga. Tingnan mo tong si babes, tuwang tuwa sa kanya si Athena! Ang hinde lang namin maintindihan bakit kay Sara ok ka, pero sa sarili mong girlfriend hinde ka ok?”

“ANONG GIRLFRIEND?! Kerb, Jigs, wag niyo ngang banggitin sa akin na girlfriend ko yang si Athena. I can’t stand her. SHE’S TOO LOUD!”

Tumawa lang silang dalawa. Anong nakakatawa dun?! Totoo naman eh!!

“May nakakatawa ba?”


“OO!” tapos tumawa parin sila

“Ano?”

“Bagay nga kayong dalawa ni Athena!”

“O nga babes, tama si Kerbi. Bagay na bagay kayong dalawa.”

“Paano kami naging bagay?! HA?!” tumawa na naman sila. ANO BA KASING NAKAKATAWA??

“Sige nga babes pakitaan mo si Kenj ng is among malupit na banat!”

“Sige sige. *clears throat*" imitating Athena "I CAN’T STAND HIM!!! HE’S TOOOO ANNOYING!”

Nagtawanan na naman sila ni Kerbi.

“Kuhang kuha babes!” tapos nag apir silang dalawa.

“Sinong nagsabi nun?”

“Sino pa ba?” tapos nag tawanan na naman sila!

ANNOYING?! AKO ANNOYING?! Anak ng! bakit ako naging annoying?!

Natapos na ang lunch break. Bumalik na kami sa classroom namin. Siyempre katabi ko na naman siya. nung tumingin na naman ako sa kanya, nagsisimula na naman siyang mag sabi ng kung ano ano! What the f is her problem?!

Friday na Friday nagpupuputok siya sa asar! Dahil ba sa akin? Ano bang ginawa ko!?

Buong period hinde niya ako kinausap! Titingnan niya ako sandali tapos biglang maririnig ko na lang na “i really cant stand him”

Dismissal na Wala kaming activity period kasi may meeting yung mga teachers. Inintay ko siya sa may labas ng classroom. Naririnig ko yung mga taong nagbubulungan. Yung iba malakas na yung boses.

“Ang gwapo niya talaga!!”

“Oo nga! Bakit kaya si Athena yung napili niya? Sa bagay.. maganda rin naman si Athena eh! bagay sila kahit papaano!”


Napangiti ako nung narinig ko yun. mga babae talaga, plastic.

Lumabas na si Sara at Athena.

“Hi Kenji!” bati sa akin ni Sara. Nag smile lang ako sa kanya.

“Gusto niyo bang umalis ngayon? Dito lang tayo sa loob ng bf..”

“Ngayon na?”

“Oo. Nasa baba na ata sila Kerb at Jigs eh.”

“Sige tara!” hinawakan niya si Athena, “Sama tayo, hm??”

“Ayoko kayo na lang..”

“Hoy! Wala pang tumatanggi sa alok ko ok? sasama ka sa ayaw at gusto mo!” I smirked at her.

“Ganun naman pala eh!! bakit kelangan mo pa ako tanungin!?!! Ano pang use nung pag tanong mo!? YOU’RE SOOOO STUPID!”

“Ewan ko sayo! Tara bumaba na tayo!” tumalikod ako sa kanila at narinig kong nag medyo natawa yung dalawa sa akin. Natalo na naman ako! nakakaasar talaga to.

ano bang problema niya? Bakit ba Ang sunget niya sa akin ngayon? Ok naman kami minsan.. hinde na rin naman kami madalas mag away.. ok I BULLY HER. pero ngayon wala akong ginagawa! simula umaga nagagalit na siya.. may problema ba?

----------------------
nu kayang problema nito ni athena nu? let's see.. at chapter 7! hihi


Last edited by rOckpRiNEsS on Mon May 24, 2010 6:51 am; edited 1 time in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Fri May 21, 2010 3:28 pm

'I CAN'T STAND HIM!! HIS TO ANNOYING!!' Laughing i like that part Laughing
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  OHHmyASH on Fri May 21, 2010 4:58 pm

annoying orange si kenji =)))
avatar
OHHmyASH
Newbie

Posts : 6
Points : 6
Join date : 2010-05-16
Age : 21
Location : A little world called ecstasy

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Sat May 22, 2010 1:15 pm

next chapter please Very Happy
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Sun May 23, 2010 7:42 am

sorry guys, mdyo ntgalan ang chapter 7, anywayss here it goes! nu nga kaya ang problema ni princess athena? ay,, i mean athena.. hehe.. lets find out na!

Chapter 7
Athena’s POV
2 weeks na simula nung naging kami ni Kenji. Ang nakakaasar, pag pasok namin kinabukasan sa school alam na sa buong campus na kami! Bakit ang bilis kumalat ng balita? Pinag kalat kaya ni Abigail? Hinde hinde naman siguro.

Friday na naman.. makakasama ko na naman ang gangster kong boyfriend. EW. Hinde ko pa rin maisip na kami na! Well, palabas lang naman yun eh.. pero siyempre iba pa rin labas sa lahat ng tao noh! Ang iisipinn nila intimate kami sa isa’t isa! Which is not true.

And ngayon, marami na rin akong nakuhang information tungkol kay Kenji. I checked my myspace account last night, Barney and Friends invited me.. so I accepted it. When I was browsing it may nakita akong Kenji LOVER na account. Meron ring Jigs LOVER and Kirby LOVER. Their insane right? I checked the Kenji lover’s account.. 20,398 friends?! Seryoso ba silang KENJI LOVER SILA?!

*flashback

May blog rin siya, Kenji after the break up.. fun facts, past.. etc..

Fun facts.

- her only sister’s name is Kendi
- only had one girlfriend
- was born on December 30, 1988
- lives at BF pque
- he’s been friends with Jigs and Kirby for 17 years

“Friends na sila simula bata pa lang..” sabi ko habang binabasa yung blog

- loves smoking and drinking
- a good fighter but he’s NOT a gangster.

“Not a gangster? What is he then? Thug?”

- loves only one girl, Athena Abigail Tizon.

Ewan ko kung bakit naasar ako nung nabasa ko to. I mean wala akong karapatan right? Ang weird.

And the list goes on. After kong basahin yung fun facts, I clicked the ‘Kenji after the break up’ ano kaya yung after the break up na yan..

After the break up,

1. He never had his hair cut. He wanted to show Athena that he’s willing to make his hair grow until she comes back to him. He even dyed it.
2. No one sat beside Kenji, no one ever dared to sit beside him.
3. He didn’t bother dating anyone
4. He’s always late for school, except during Tuesdays and Thursdays because of basketball practice.

end of flashback*

And so the list goes on. Feeling ko after kong mabasa yung mga yun sobrang kilala ko na siya.. Feeling ko ang tagal ko na siyang kilala. Pero siyempre, 3 weeks pa lang. saktong 25 days pa lang kami mag kakilala. And sa 25 days na yun hinde pa rin kami mag kasundo!

Tuwing nakikita ko tuloy ngayong araw si Kenji hindi ko mapigilang hinde maasar!

Nung umaga, as usual, late siya! Naisip ko kaya siya late gawa ng wala na si Abigail sa tabi niya. Tapos amoy yosi pa siya! Dahil rin kay Abigail kaya siya nagyoyosi.. kasi dati sabay silang nag yoyosi! Nakakaasar talaga!

“Athena, ok ka lang?” tumingin ako sa kanya. Sino pa ba?!

“Ang aga aga nambubwiset ka na naman! Nakakaasar. Sana hinde na ka na lang ulit pumasok!” I mumbled

“Ano?”

“WALA!!!!!” napatingin sa amin yung klase, nag smile lang ako sa kanila.

“LQ na naman sila..”

"Kelan ba sila magkakasundo? "

"Weird couple.. "

"Mismo. "


sabi ng mga classmate namin

Lunch break hinde siya sumama sa amin sa canteen! Dapat lang noh! Nakakaasar pag mumukha niya eh! nakakabwiset!

“Bakit hinde ka pa kumakain? Iniintay mo ba si Kenji?” I glared at Kirby. Pwede ba! Wag niya ngang i-mention name nung hayop na yun!

“Athena kumain ka na..”


Tumayo ako para bumili ng pagkain! Nakakaasar! Hinde ko alam kung bakit ako naaasar sa kanya! Dahil kaya sa mga nabasa ko? eh ano bang pakialam ko dun!!

The couples Kenji and Athena were so perfect for each other. Everyone knew that they’re really in love.

I slapped my cheeks lightly. Hinde ko talaga makalimutan yung mga nabasa ko!

Kenji once bought flowers for Athena and then he gave it to her during the assembly in front of everyone.

“Miss I’ll buy that one!” I pointed at the fettuccini. I paid for my food then went back to our table.

“Ano ba kasing nangyari sa inyo?” tanong ni Kirby

“Wala.. naiinis lang talaga ako sa kanya!”

“OOHHHH.. PMS” sabay na sinabi ni Jigs at Kirby

“HINDE!!! Ewan ko ba.. I just.. UGH! I CAN’T STAND HIM!!! HE’S TOOOO ANNOYING!!!!”
tapos nag tawanan silang tatlo.

“What’s funny?! He’s really annoying! I hate him!”

“Kayo talaga! Ayusin niyo na nga yung gulo! Sige, hanapin lang namin si Kenji, baka magisa lang siya kumakain ngayon eh.”

“Sige, yung isa kasi dito tinotopak eh. baka LQ sila kaya ganun.”

“Sige babes, kitakits na lang sa classroom.” I nodded then kumain ulit.

“Sara.. im not tinotopak.. I just can’t stand that guy.. you know how annoying he is?”


She shook her head, “Come on tell me.”

“Lately, we’ve been talking on the phone for HOURS pero inaasar niya lang ako! after that he’ll say sorry then gagawin niya ulit! Araw-araw Sara ganun siya!”

“That’s it? You’re calling him annoying because of that?”

“NO! Even sa MSN!!! He wants us to talk 24/7! NONSTOP SARA! NONSTOP! And then sasabihin niya na bored lang siya, walang magawa. Basically, all he does was to annoy me!!! And it really sucks! I was being his toy!”

“Uh-huh.. you’ll get over it.”

“UGH! THANK YOU! You’re helping!” i said it sarcastically

After that we went back to our classroom. I saw him again! He was already seated. He looked at me as soon as I got closer to him.

“Jesus. He’s really irritating. Why do I have to sit beside him anyway. I can't stand him!” I muttered

Hinde na kami nag usap after nun. Siguro naman naisip na rin niya na nakakairita siya, right?

Dismissal na! excited na ko cause we don’t have an activity period today, and my oppa’s coming home from QC!!!

Palabas na kami ng classroom ng biglang humarang si Kenji, niyaya niya kaming lumabas ni Sara. Etong si Sara naman pumayag! Palibhasa she likes Jigs! Oh well, I cant say no to her.. I love my bestfriend to bits.

We went home, then to my surprise I saw Oppa at the living room, watching tv

“OPPA!! What time ka pa nandito??” [oppa =kuya]
“Oppa!! I missed you!!”

“Kayo talagang dalawa! Come here girls, I missed you.” Tapos niyakap niya kami ni Sara. “Don’t call me oppa! Kuya na lang!”

“OMG! Kuya Nate, alam mo na bang may boyfriend na si Athena??!”


Humarap sa akin si Kuya Nathan, “TALAGA?! Why didn’t you tell me??”

“Hay nako kuya! Sobrang pareho kayo nun! FilKor! Tapos, he’s also an uhljjang! And he’s gwapo! Sooo. Parang ikaw nga! Ikaw na ikaw!” [uhljjang = best face]

“Wow, Athena may taste ka ha!” biro sakin ni Kuya Nathan.

“Oppa!! I don’t like him! Not even a bit! EW he looks like and effin gangster you know! Plus, you’re waaaay better than him! WAY BETTER!”

“Come on Athena! Admit it! He’s hot.” Sara then faced Kuya Nathan, “Kuya, sikat siya sa internet! You’ll like him! I swear.”

After that pinagpahinga na ako ni Kuya Nathan. Then nakita ko na lang na sinearch niya sa internet si Kenji! Nakakaasar talaga! Inasar niya ako kasi daw, gwapo and bagay daw kami! Nakahanap daw ako ng katapat ko! nakakaasar.

Mga 8:00 sinundo na kami ni Kenji. Sa Merge kami nag punta. It’s around BF lang rin, para medyo convenient. Maganda yung lugar, hiphop/r&b yung sounds, then madaming tao! Madaming girls. Madaming nag yoyosi.. NOW I’M USING KENJI’S TERM! YOSI!

[a/n: merge = a place where you can chill, dance, and drink]

“Athena.. ano bang problema mo..? bakit biglang ang sunget sunget mo sakin ngayong araw na to??”

“Bakit ba? Hinde ba ko pwedeng magsungit?”


“May nasabi ba akong mali? Eh nagawa?”

"EWAN KO SAYO!!! WAG MO AKONG KAUSAPIN! "

"BWISET! BAHALA KA NGA DYAN! "
then he went out to smoke.

Meron nga ba? Wala naman eh.. after ko lang mabasayung nasa Myspace naging ganito na ko! badtrip naman kasi. Kelangan ko ba talagang mabasa yung mga yun? hinde ko naman siya gusto para magalit ako ng ganito.. pero ang weird ko lang talaga ngayon..

Gusto ko na kaya siya?

OFCOURSE NOT!

Ok I admit! I am PMS-ing and it’s not funny anymore. I really don’t care about the stupid blog! Naaasar lang ako kasi bawat hirit about kay Abigail, laging may comment sa gilid.. like bakit ako daw yung napili ni Kenji, bakit sa ISANG BASURANG NEW STUDENT daw siya pumatol!

EXCUSE ME?! Ako basura? I can do better!! Hinde naman ganun ka-gwapo si Kenji para sabihin nilang basura yung pinatulan niya! I might not be pretty enough for them, but im cute! At least I think I am

“Why did he leave?? What did you do na naman ba? Alam mo, ang weird mo ngayong araw.. ano bang nangyari sa inyo? IM PRETTY SURE hinde yun tungkol sa pangungulit niya sayo.”

“I’m PMS-ing!! OK?? I’m sorry..”

“Well the least you can do is to follow him and apologize. Hinde niya kasalanan yang pag-PMS mo noh.”

“Fine..”

Lumabas ako ng Merge para puntahan ko si Kenji. Pag labas ko, nakita ko na si Jigs at Kirby.. asan na naman yang lalaking yan?

“Uy.. Nasan si Kenji?”

“Hinde pa nga bumabalik eh, sabi niya may kukunin lang daw siya sa sasakyan. Pero ang tagal naman niyang bumalik!”

“Ah ganun ba? Sige puntahan ko na lang siya..” nag nod sila sakin tapos tumalikod na sa kanila.

‘Ano na naman bang kukunin nun sa sasakyan?’ I said to myself.

Buti na lang at malapit lang yung pinagparkan niya, kaya mabilis rin akong nakarating sa may kotse.

Pagkita ko sa kanya may babae sa tapat niya, mukhang may gusto sa kanya yung babae, wala lang kay Kenji yung girl.


Last edited by rOckpRiNEsS on Mon May 24, 2010 6:57 am; edited 1 time in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Sun May 23, 2010 7:51 am

cnu ba yung girl kase?? XD let's find out-- 2 posts ggwin ko since nkalimutan ko kahapon.. haha..

“Kenji!”


Nagulat yung babae kaya medyo dumistansya na siya kay Kenji. Lumapit lumapit ako sa kanila.

“Kanina ka pa namin hinahanap. Nandito ka lang pala. anong ginagawa mo dito?” ano pa ba? Edi nakikipag flirt. At sa tapat ko pa. im PMS-ing you @ss! Dapat maging mabait ka sakin ngayon!!

“SHEENA!!! Kanina pa kita hinahanap! Anong ginagawa mo dito?!” napalingon kaming tatlo sa lalaking sumigaw.

Napansin nung lalaki na si Kenji yung nasa harap nung Sheena. Naglakad ng mabilis papalapit sa amin yung lalaki.

“Putik! Ilang beses ko bang sasabihin sayo Kenji na layuan mo yung shota ko?! Wala ka na bang iba pang mabiktima ha??” hinde na lang pinansin yung lalaki, tumingin na lang siya sa kanan niya (nasa right niya ako)

“Tapusin na nga natin to! Dito na! bilis!”
humarap sa kanya si Kenji

hinawakan niya yung kamay koi, “Girlfriend ko, si Athena.” tapos pinakita sa kanya na nakaholding hands kami.

“Girlfriend mo?! Lahat na lang ata ng makatabi mong babae pinakilala mo ng girlfriend mo ah. At kapangalan pa siya ng ex mo!” humarap sa akin yung lalaki, “boyfriend mo ba siya?”

Turn ko na to para gumanti sa Kenji na yan! Pumunta na nga ako para mgasorry tapos ganito pa! Maaabutan ko lang siyang nakikipagflirt sa isang babae!? Aba! Humanda ka Kenji delos Reyes!

I pulled my hand, “HINDE AH! I don’t even know him!” biglang napatingin sakin si Kenji “Wag niyo nga akong idamay! Nahuli ko lang kayong naguusap eh! ang sweet niyo pa nga eh. sige mauna na ko!” tumalikod na ko sa kanila tapos naglakad ng mabagal.

“SINUNGALING KA TALAGA!!” pagtapos nun nakarinig na lang ako ng malakas na tunog.

At hinde natapos yung tunog dun, umulit pa eto ng tatlong beses. Humarap ako sa kanila, pag tingin ko nakita kong nakahiga na sa sahig yung lalaki at si Kenji naglakad na papalapit sa akin

“BAKIT MO GINAWA YUN?!”


“Eh bakit nakikipag flirt ka?!”


“Nagseselos ka ba?!”

“HINDE!!! Nakakaasar lang kasi pinuntahan kita sa labas para mag sorry ako sa pagsususnget ko kanina, pero makikita ko lang nakikipag flirt ka! Edi sana winarningan mo muna ko! nawala moment ng pagsosorry ko eh!”

“Edi nag seselos ka nga.”

“Hinde nga sabi! Ang kulit mo! Sa susunod wag mo na akong ipakilalang GIRLFRIEND mo kasi napapahiya lang ako! Alam nilang may girlfriend ka pero makikita nilang nakikipag flirt ka sa iba! Lalabas na kawawa ako! Na wala akong kwenta, na yun lang ang role ko, ang lokohin! Fcuking a! I’m PMS-ing here tapos ikaw wala ka ng ibang ginawa kung hinde painitin lalo ulo ko!”

“Tss. Tara na nga! Wag ka ng masungit! Tinatanggap ko na sorry mo, ok? Kaya itigil mo na pag p-PMS mo.”

Hinawakan niya yung kamay ko tapos medyo hinila niya ako papunta sa entrance Merge.

That’s it?! Ang haba ng sinabi ko tapos yun lang yung nireply niya sa akin??? Grabe!! Ano bang klaseng boyfriend meron ako! Hinde niya talaga ako tinatrato ng maayos! Ibang iba siya kay Tae Sung Oppa. Tapos sasabihin pa ni Sara na magkapareho sila ni Sang Min Oppa?!?! NO WAY! Ang layo talaga!


Can’t believe I’m still dating this gangster.


Last edited by rOckpRiNEsS on Mon May 24, 2010 7:01 am; edited 1 time in total

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Sun May 23, 2010 2:06 pm

ayiiieee... selos c athena Razz bounce
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  prolibag* on Sun May 23, 2010 7:50 pm

oh..?
avatar
prolibag*
Fanatic

Posts : 267
Points : 274
Join date : 2010-05-16

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Mon May 24, 2010 7:24 am

BEFORE CHAPTER 8-- PAKI CHECK PO YUNG COLOR CODING NUNG CHARACTERS MAY CHANGES PO AKONG GINAWA PARA VISIBLE NAMAN HEHE, ITO NA PO!
----------
Chapter 8
I’ve known him for 26 days and we’ve been a ’couple’ for 19 days. Great.

“Athena!! GISING NA!!”


‘Sino ba tong istorbo na to.. nakita ng natutulog yung tao eh..’ I said to myself.

“HUY GUMISING KA NA! MAY BISITA KA!”


“Sara.. Inaantok pa ko.. wala naman pasok eh.. let me sleep.. so tired..”


“Megaphone tanghali na!”


‘Megaphone? Isang tao lang tumatawag sakin nun ha..’ again I said to myself

Pagkarinig ko ng ‘megaphone’ unti unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko si Sara naka smile sakin.

“GOOD MORNING SUNSHINE!!”

“Haaa… I’m still sleepy.. sabihin mo sa bisita balik na lang siya..” tapos ipinikit ko ulit yung mga mata ko tapos nag patong ng unan sa ulo ko.

“Gumising ka na!! ano ka ba! Pag hinde ka gumising makikipag date ako sa ibang babae!!!!”

Napabangon ako sa kama. BAKIT NANDITO SIYA SA LOOB NG KWARTO KO?!

“EDI MAKIPAGDATE KA! PARA NAMANG MAY PAKIALAM AKO!”


“Hay nako ang aga aga nag aaway na kaagad kayo! Ganyan ba batian niyo ng ‘good morning’? Ang sweet ha! sige maiwan ko na kayo.”

Lumabas na ng kwarto ko si Sara, so ako at si gangster na lang ang natitira.

“Bakit nandito ka? Ang aga-aga eh..”

Umupo siya sa may couch, “Wala akong magawa eh.. alam mo naman na wala akong kasama sa bahay. Kung hindi si peanut lang! yung maid kasi boring.. hinde makausap ng matino..”

“Ahh.. so may sense pala akong kausap? Kenji ok lang naman kung sasabihin mo sakin na namiss mo ko eh.”

“Ang kapal talaga ng mukha nito. Baka AKO NAMISS MO. Aminin mo na! Hinde ko ipagkakalat.” OMG. He’s being conceited again.

“Kapal ng mukha mo. Sige matutulog na muna ako.” tapos humiga ulit ako sa kama tapos tumalikod na sa kanya.

“Paano naman ako??? GUMISING KA!!”

“Bahala ka. Magcomputer ka kung gusto mo, oh kaya manood ka ng tv sa may living room, pero mas ok kung uuwi ka na lang ng bahay mo at wag ka ng bumalik pa dito. Kahit kelan.”

“Tss.”

Narinig ko siyang tumayo tapos nakarinig din ako ng foot steps.. lalabas na ata siya ng kwarto. I won again!

Maya maya tinulak niya ako pausog ng kama tapos humiga siya. OMG! ano bang ginagawa niya!

“Sige, inaantok na din ako eh. Tulog na muna tayo.”
Tapos kinuha niya yung kumot ko, “Hati tayo! Ang lamig sa kwarto mo eh! todo ka kung mag aircon!”

Habang nakahiga kami pareho nakatingin lang ako sa kanya. Ano bang promblema niya? Nakakainis naman! Ang tindi niya mambwiset!

Pinagmasdan ko siya.. nakapikit na siya.. matutulog ba talaga tong bwiset na to? Nakakaasar naman!!!! Bumangon na ko ng kama, nawala antok ko! nakakaasar! Pinuyat na nga ako kagabi tapos ganito pa! mang-gigising pa!

“LUMABAS KA NA NG KWARTO KO!!”


Bigla siyang napadilat. Nagulat ata siya

“AMP! Ang aga aga sumisigaw ka na naman!”

“Paanong hinde ako sisigaw eh ang aga-aga binibwiset mo na ako! lumabas ka na! maliligo na ko!”

“Mag pants ka ha! wag kang mag shorts o mag skirt!” Aba!! Conservative siya?

“Sino ka para magdecide sa susuotin ko?”

“Boss mo. Pati ang pangit kasi ng legs mo eh! nakakadiri tingnan.”

Ano daw?! Madami ngang nagsasabing maganda legs ko eh! Siya pa lang nagsasabing panget yung legs ko..

“BOSS KA DYAN! OO NA! PANGET NA! LABAS! Maliligo na ko! at ayaw kong magbihis sa tapat mo!”

“Sa tingin mo ba gusto kong magbihis ka sa tapat ko? ano bang makikita ko dyan?! Buto’t balat?! Para ka ngang TINAPAY EH!”

Tinapay?! Paano ako naging tinapay? Dahil ba payat ako? bakit naman sa lahat ng pwedeng i-compare sa akin tinapay pa?! hinde ko talaga gets.

“Tinapay?”

“Hinde. Sige, FLATscreen na lang.” flat screen? AAAHHH!

“STFU! LUMABAS KA NA NGA! Napapatagal lalo eh!”

Lumabas na siya ng kwarto ko.

FLAT screen kasi flat chested ako!? chinecheck out niya ba ako!? ang kapal naman ng mukha niya! Mas may laaman naman yung akin kesa kay Sara noh! Bakit, yun ba nagustuhan niya kay Abigail? Kasi malaman yung kanya? Tinapay.. flat screen.. kapal talaga niya! UGH.

After 1 hour lumabas ako ng kwarto ko, nakita ko siya sa may living room nanonood ng tv, basketball. Oo nga pala, varsity siya eh. No wonder ang aga niya pumasok tuwing Tuesday at Thursday, practice pala nila yun.

Umupo ako sa dulo ng sofa, habang siya patuloy pa rin sa panonood

“Saan ba tayo pupunta? 11:30 am pa lang oh! An gaga mo mambulabog ng bahay!”

Pinatay niya yung tv tapos tumayo, “Kakain tayo. Tara na.”

Lumabas si Sara galing sa kwarto niya, “Oh san kayo pupunta? hinde ba kayo kakain dito?”

“Hinde, pahiram muna si Athena ha? babalik ko rin siya mamayang gabi.” GABI?! Bakit gagabihin kami?? Ano bang kakainin namin at aabutin kami ng gabi sa pagkain??

“Sige! Ingat kayong dalawa!”
nag wave siya saming dalawa.

“Sige, tatawag na lang ako mamaya pag pauwi na ko..”

Nag nod lang sakin si Sara, si Kenji naman lumabas na ng bahay.

Habang nag lalakad kami sa pupuntahan namin nag lakas loob akong kausapin siya..

“Kenji.. saan ba kasi tayo pupunta?”

“Kakain nga.”

“Eh bakit tayo gagabihin? Gano katagal ba lutuiin yung pagkaing yun?”

“Basta. Ang tanong mo naman!!! Sumunod ka na lang sa akin!”

Ginawa ko yung sinabi niya, ayoko ng magtanong. Natatakot na akong kausapin siya dahil naalala ko kagabi nung nasa Merge kami may babaeng lumapit sa kanya sa may labas, nung pumasok siya sa loob sumunod pa rin yung babae. Ang hinde ko lang maintindihan bakit sumusunod yung babae sa kanya.. hinde pa dun nag tatapos yung kwento, biglang hinalikan nung girl si Kenji sa tapat naming 4 (Jigs, Kirby, Sara and I) mga naging itsura namin nung time na yun..

Sara and I -> O_O

Kirby -> ¬_¬

Jigs -> (-_- ) ( -_-) (-_- ) ( -_-)

Anyway, biglang tinulak ni Kenji yung babae tapos biglang sinampal. Nagulat kaming lahat sa ginawa niya, tapos bigla niya pang sinabi sa babae na

“Wala kang karapatang halikan ako sa tapat ng girlfriend ko.”


I thought to myself that time ‘pag wala ba ako sa harap nila pwede siyang halikan nung kung sinong babae?’ again, wala akong pakialam. Kasi ang role ko lang naman ay ang tulungan ko siyang mapagselos at mapabalik sa kanya si Abigail.

Suddenly he stopped infront of a house..

“Dito ka nakatira?”

“Oo.” he pressed the doorbell, after 5 seconds may lumabas na maid tapos binuksan yung gate.

“Pasok ka.” Pumasok kami ng bahay.

Dito pala siya nakatira, mga 5 mins away sa bahay namin.. I think.. o baka 8 minutes? Ay ewan! Kung ako pag nilakad ko yung bahay papuntang school 15 minutes.. siguro sa kanila 20 minutes.

Pag ka pasok namin sa MISMONG bahay, “KENJI!!!! WE’VE BEEN WAITING FOR YOU!!! I MISSED YOU BABY BOY!” naglakad papalapit yung babae then he hugged Kenji.

Nakatingin lang ako sa kanila, unconsciously I smiled.

‘Mom niya siguro’ I thought.

“Ma! May bisita ako!” Mom niya nga.

He pulled away then napatingin sakin yung mom niya. “HI!!”


---------------
ayan na.. haha... baby boy Razz. XD..
continue n lng nxt time.. aba.. pinakilala na ni kenji si athena sa parents nya?? haha.. salamt sa readers!

Thanks!

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  ganda10101 on Mon May 24, 2010 2:53 pm

Mommy's Boy hahaha pero Gangster meon ba nun.. hahaha

ganda10101
Fan

Posts : 44
Points : 50
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Mon May 24, 2010 4:12 pm

ayiiiee baby boy daw :'> bounce
ankyuuuut :3
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  prolibag* on Mon May 24, 2010 6:03 pm

lol.oo nga meron ba na gangster na mommy's boy?
avatar
prolibag*
Fanatic

Posts : 267
Points : 274
Join date : 2010-05-16

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  stellaa on Mon May 24, 2010 8:18 pm

prolibag* wrote:lol.oo nga meron ba na gangster na mommy's boy?
naks, oo nga naman XD taob c kenji XD Razz Laughing
avatar
stellaa
Moderator
Moderator

Posts : 109
Points : 109
Join date : 2010-05-15

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  prolibag* on Mon May 24, 2010 9:59 pm

haha..lols..
avatar
prolibag*
Fanatic

Posts : 267
Points : 274
Join date : 2010-05-16

View user profile

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Tue May 25, 2010 4:14 am

XD, yeah, gangsta na baby boy.. ampp naman.. nxt na tyu, di ako mkakapost bukas at may camping trip for 1 day kame.. haha.. ito na.. Chapter 8 cont.
--------------
“TITA!!! TITO!! Nandito na kami!”

Napatingin ako kay Kenji, “Si Jigs yun ah!”

He sighed.

Pagpasok ni Jigs lumapit kaagad siya sa mom ni Kenji at naghug.

“Babes! How are you?? You’re so big na!!”

Nagsmile na naman ako, babes din tawag niya kay Jigs! How cute!

“Kirby! Come here! give your aunt a hug!” lumapit si Kirby tapos hinug yung mom ni Kenji, kasama pala si Kirby.. hinde ko napansin! Tahimik kasi to minsan eh. minsan nga lang pag nasa mood pasimuno ng gulo!

“Grabe! Ang lalaki niyo na! dati ang totoy niyo lang eh..” sabi nung lalaki, siguro dad to ni Kenji, magkamukha sila eh. yun nga lang hinde mukhang gangster yung dad niya.

“Tito naman! 6 months lang tayong hinde nag kita eh! ibig sabihin totoy pa kami sa paningin niyo 6 months ago?” nagcross ng arms si Jigs. Para talaga siyang bata! Ano kaya nagustuhan sa kanya ni Sara?!

“Tito, nakilala niyo na ba yung girlfriend ni Kenji?”

“Girlfriend? Oo naman! Napakilala na samin ni Kenji yun! Si Athena diba?” tapos nag smile yung dad ni Kenji.

Kilala na niya ako? kelang niya ako napakilala sa dad niya? Nakukwento niya ba ako?

“Ahh napakilala napa kilala na pala ni Kenji. Akala ko hinde pa eh!”

“Tama na nga! Hinde niya pa kilala si Athena! Nag mamarunong lang yan!”

“Kenji yah.. have you already forgotten? We met her already..” sabi ng mom niya

“Oo nga, Athena Abigail Tizon name niya diba?” Sabi naman nung dad niya. Oh boy. Hinde nga ako yun. I knew it.. si Abigail pa rin yung kilala nila.

“Ay Tita, tito, iba ho yun.” hinila ako ni Jigs para humarap sa parents ni Kenji

“Hi..” tapos nag bow ako. ewan ko ba, nakasanayan ko na mag bow.. di nga pala uso mag bow dito sa pilipinas

Kenjis parents -> o_O

Jigs -> ^_______^v

Kirby -> ^___^

Kenji -> ¬_¬

“GIRLFRIEND PO NI KENJIE!” sabay na sinabi ni Jigs at Kirby. Tumingin ako sa kanila, nag smile lang sila tapos nag peace sign ganito ^____^v

Nag smile yung mom ni Kenji, “dong shinun ah joo yeo ppu da!” [You’re very pretty!]

“Kamsahamnida” nag bow ako sa mom niya. [thank you -formal]

“Oh! Hankuksarameyo?” [Oh! Are you a korean?]

“Aniyo.” I shook my head. [No]

Tumingin si Kirby at Jigs kay Kenji.

“Ano daw?”

“Kenji anong pinaguusapan nila? Bakit parang hinde ata tagalog yun..”

“Aba anong malay ko. Ang naintindihan ko lang ‘thank you’ at ‘no’ eh. Bilang lang ang alam ko sa Korean.” tumingin siya sa daddy niya, “Dad ano pinag uusapan nila?”

Tulala lang rin yung daddy niya sa amin.

“Dad, anong sinasabi nila?”

“Aba, ikaw tong may lahing Korean eh! dapat alam mo.”

Nagtawanan kami ng mom ni Kenji, half Korean siya pero hinde siya marunong mag Korean? Weird.

“Sabi ko, maganda siya kaya nag thank you siya sakin, tapos tinanong ko kung korean siya, sabi niya hinde.”

“AAAAHHH..” sabay nilang apat sinabi.

"Ano nga pala ulit ang pangalan mo iha?” Tanong ng mom niya sa akin.

“Athena Dizon po.”

“Dizon? May kilala kaming mga Dizon eh, kaya lang nasa Korea sila.. sa bagay, baka hinde kayo mag kamaganak nun.” Sabi naman ng Dad niya. kami lang kaya ang dizon sa korea (-.-)

“Teka, bakit nga ba kayo nandito sa bahay ko?" humarap siya sa parents niya "BAKIT KAYO NASA PILIPINAS?”

“Tinawagan kami ni Tita eh.”

“Wala lang. Gusto lang namin magpahinga. Pati namimiss na namin kayo ni Kendi eh.” Sagot ng Dad ni Kenji sa kanya.

“Tara na! ready na yung lunch” sabi ng mom ni Kenji na lumabas galing kusina.

Kumain kami ng lunch, habang kumakain hinde nila maiwasang hinde mag usap. Hinde close si Kenji sa parents niya, I mean close sila pero not that close.. weird.

After nung lunch nagkwentuhan pa rin sila, si Kenji halatang medyo bored na, si Jigs lang ata yung tuwang tuwa sa mga kwento nila eh. Mayaman pala sila Kenji, may business sila sa dito sa Philippines, Korea pati New Jersey. Mag partner naman yung parents nilang tatlo sa business sa UK. Bigtime pala talaga sila. Ano kaya yung business nila Kenji sa Korea..

Nauna kaming umalis ni Kenji, ang sabi niya may importante lang daw kaming gagawin, eto naman si Kirby, nasa mood ata. Inasar kami, yung importanteng gagawin daw namin at date! Nung tinanong ko naman si Kenji paglabas naming kung saan kami pupunta, ang sabi niya hinde daw niya alam.

Nag lakad na naman kami ng mga 10 minutes. Grabe to, walang ibang alam gawin kung hinde mag lakad, feeling ko yung mga kinain ko wala na sa tiyan ko, nasa paa ko na! nakikita ko na naman yung building na dati naming pinuntahan, tama nasa PG kami (planet games) as usual bumili siya ng token at nag laro na naman siya ng tekken! Hindi man lang mag share kahit isang token lang?!

10 minutes na siyang nag lalaro, bored na ako. ayoko naman siyang panoorin mag laro ng maglaro, pati kelangan ko na rin mag punta ng washroom! Full tank na ko!

“Kenj, punta lang ako ng washroom.”

“Anong gagawin mo dun?”
tanong niya habang nakatingin sa nilalaro niya

“Bakit kelangan mong malaman?”

“Gusto ko lang.”


“Wag na.” tumayo na ako

“ANO NGA?!”

“IM GOING TO PEE, YOU @$s!” tapos umalis na ko papuntang CR

Ilang minutes na akong naghahanap pero hinde ko parin mahanap yung mahiwagang cr!


“San ba yung cr dito..” patuloy pa rin ako sa pag hahanap.

Malaki pala tong PG, hinde ko masyadong naexplore to nung unang punta eh. habang nag hahanap ako, may nakita akong pamilyar na mukha, lumapit ako para tingnan kung kilala ko nga talaga yun.

Tumayo yung lalaki tapos nakita niya ako.

OMG siya nga yun!

------------------
sinu ba yun?? XD.. nxt na? geh nxt na.. wala kase ako bukas.. osha.. ito na yung nxt!.....
Very Happy

Thanks!

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  rOckpRiNEsS on Tue May 25, 2010 4:39 am

sinu yun? lets find out!
------------
Chapter 9

Siya nga, si pretty boy.. si Lucas..

Nag smile siya tapos lumapit siya sa akin, “Uy! Long time no see ha. Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo? Si Kenji ba..?”

“Ha.. Ah.. Oo..”

“D-day niyo ba to?”

“Ha?”

“Dateday.” Tapos nag smile siya sakin. Ang gwapo niya talaga.

“Aah. DATE?! Hinde ah. Binulabog lang niya nga ako sa pagtulog ko eh!”

“Binulabog? Bakit? Diba kayo?”

“HINDE AH!!”

“Hinde?” OMG. Ano ba sinabi ko? Masyado lang akong nadala! Ayokong sabihing may boyfriend ako kasi ang gwapo ng katapat ko, pero ATHENA MAY GIRLFRIEND NA SIYA!

“Ano nga ba ulit sinabi ko?” tama! act STUPID LIKE KENJI!

“Tinanong kita kung bakit ka binulabog ni Kenji, tinanong ko rin kung kayo. Ang sabi mo, hinde.”

“Ah.. hinde nga.. hinde niya ko binulabog. Kami ni Kenji. Sorry, magulo isip ko ngayon eh.. Puyat kasi ako.” i think gagana naman tong palsot na to.. nkita ko to sa www.palusot.com eh..

“Ahh..” and he fell for it time to change the topic

“Teka, saan ka nga pala nag aaral? Pati nasaan si Abigail?”

“Sa Marymount High. Si Abi? Umalis kasama ng mga friends niya.”
Marymount High? Dito lang rin ata yun around BF eh.. pero hinde ako sure.. hinde naman ako lumilibot dito sa BF eh..

“Ahh.. ganun ba..”

“Oo.” Tapos nag smile siya, “Uy sige Athena, mauna na ako. pupuntahan ko pa si Abi.”

“Aah.. oh sige, ingat ka!” nag smile ako, he smiled back. Then he left.

Paglabas ni Lucas ng PG, tumalikod na ulit ako para hanapin yung CR nakakita lang ako ng gwapo nawala yung pagka full tank ko, pero nung nawala, nagwarning nanaman! Ang nakakainis pa dun, pagtingin ko sa may right side nandun na yung cr! Ibig sabihin kanina ko pa hinde nakikita yung cr! Hanap ako ng hanap pag tumingin lang ako sa right side ko andun na yung cr! Nadala ako masyado sa stress kay Kenji at Lucas..

Paglabas ko galng CR nakita ko si kenji nag aabang sa tapat ng pinto. Ano ba siya! mapagkakamalan siyang namboboso sa ginagawa niya eh!

Lumapit ako sa kanya, “oh bakit nandito ka?”

“Bakit ang tagal mong mag cr??”

“Eh ano bang pakialam mo?”

“Madami!!!”

Madami? Bakit? May pakialam ba siya sakin? Sa mga ginagawa ko at mga gagawin ko?

“Bakit ba kasi kelangan malaman mo kung ano yung mga gagawin ko? pati, bakit inintay mo pa ko sa tapat ng cr?!”

“Wala lang.. kasi.. akala ko umalis ka ng hinde nag sasabi.. nagiging habit mo na kasi yun eh. kaya.. pumunta ako dito, para intayin ka.. bakit ba kasi ang tagal mo?”

“Hinde ko kasi nahanap kaagad yung cr..” sasabihin ko ba na nakita ko si Lucas? Oh hinde na lang? tutal wala naman siyang pakielam eh kung nagkita kami oh hinde.

“Ah.. yun lang ba? Wala ng ibang dahilan?”


“Pati nakasalubong ko si Lucas..”


“Si Lucas?! Nagusap kayo??”


“Oo, saglit lang naman eh.”

“Kahit na!! hinde mo dapat kausapi nyung lalaking yun!! alam mo naman na malaki yung grudge ko dun eh! Pati pano na lang pag nakita ng mga tao na magkausap kayo? Nilalagay mo yung sarili mo sa kapahamakan! Alam ng mga tao na nagdedate tayo, tapos may kinakausap kang ibang lalaki! At yung matindi dun, sa lalaking galit ako! ta@&*%$ naman!”

“Sabi ko naman na saglit lang kami nag usap diba? hinde ka ba makaintindi!? What’s wrong with that?! and I’m just trying to be friendly, that’s it! Ayoko naman maging snob sa kanya kasi wala naman siyang ginagawa sa akin, and anong kinalaman ko sa away niyong dalawa? Was I the reason?!”

“PERO NGA GIRLFRIEND KITA! DAPAT HINDE MO SIYA KAKAUSAPIN KASI ALAM MONG MAGKAGALIT KAMI!”

“FRIENDS NGA LANG KAMI EH! FRIENDS!! Alam mo ba ibig sabihin ng FRIENDS??” nagagalit siya dahil kinausap ko si Lucas, ano bang malay ko sa gulo nilang tatlo?! Magkakilala na ba kami nung time nay un? Buti ba kung alam ko yung buong pangyayari, eh hinde naman eh! bakit kelangan niyang mag-vent sa akin!?

“Hinde mo kasi ako maintindihan eh!! bahala ka na nga!” tumalikod siya tapos nag walk-out. MY GOD! what’s wrong with him!?

Sumunod ako sa kanya, papalabas na siya ng PG, hinawakan ko yung braso niya para huminto siya sa pag lalakad at pakinggan yung part ko.

“HINDE KO PALA MAINTINDIHAN EH, EDI IPAINTINDI MO SA AKIN!!! " napansin ko na medyo nag stiffened siya. "Look, I’m sorry. Ayokong madamay sa gulo ninyo, wala naman akong alam diba? Pumayag na nga ko na tulungan kang mabalik sayo si Abigail eh, if patuloy tayong magaaway ng ganito, then our plan will not succeed.. ano bang masama kung magiging magkaibigan kami diba?”

“Kasi… meron kang.. yun.. hinde malabong magustuhan ka ni Lucas..”

“Ha?”

“Magkaibigan tayo, baka saktan ka ni Lucas, ayoko mangyari sayo un. Kahit na lagi tayong nag aaway, ayokong gaguhin ka na lang ng isang gag0.”


“Wag ka na ngang magalit! Tara mag mall na lang tayo!”


“Tss ikaw talaga. Tara na nga!”

Sabay kaming nag lakad ni Kenji papalabas ng PG, nagtrike kami hanggang labas ng BF at sumakay kami ng bus, papunta ng ATC. First time ko lang mag commute dito sa pilipinas, pero nung nasa korea pa ko madalas kaming mag bus ni Sara. Nakakaasar, niyaya ko siyang mag mall, eh wala naman akong dalang bag! Sadyang sarili ko lang at cellphone lang yung dala ko!

Kaya nilibre ako ni Kenji sa lahata, fare, food at siguro sa kung ano pang pwede naming magawa dun sa mall.

Nagikot-ikot kami ni Kenji, sinamahan niya ako tumingin ng mga damit pero sabi ko sa kanya na ok lang sa akin na maghiwalay muna kami at magikot-ikot muna siya. tatawagan ko na lang siya pag tapos na ko tumingin ng mga damit. Pumayag naman siya.

Pumasok ako sa isang store para tumingin ng mga damit, habang tumitingin ako, nakakita na naman ako ng familiar na mukha, naka side view kasi yung tao, tapos wala pa akong suot na contact lens! Eh ang bulag ko pa naman din pag wala akong suot na salamin or contact lens..

Hinde ko na lang pinansin yung nakita kong babae, baka kasi mapahiya lang ako. tuloy tuloy pa rin ako sa pag titingin ng mga damit tapos may biglang kumausap sa akin

“Athena! Musta na?”

“Uy! Ikaw pala Abigail! Sabi ko na nga ba familiar yung itsura mo eh. sorry, hinde kita pinansin kaagad, Malabo kasi mata ko eh, wala akong suot na contacts.”

“Ok lang yun, oo nga pala, bakit mag isa ka lang? wala ka bang kasama?”

“Meron. Pinag-ikot ikot ko muna siya.”

“Si Kenji ba yun? Buti hinde siya tinamad mag drive!” fishing siya ha.. baka gusto niya lang itanong kung kasama ko si Kenji, kung nasaan siya at kung bakit niya ako kasama!

“Oo, si Kenji nga, sabi ko kasi sa kanya mag-ikot ikot muna siya kasi baka mainip siya kakasunod sa akin, pati nag commute lang kami.” Nag smile ako

“Alam mo nung kami pa ni Kenji hinde niya ako iniiwan, kung saan ako mag punta kasama ko pa rin siya, ayaw niyang nagiisa ako. pati hinde niya ako pinagcocommute, lagi siyang magpapahatid sundo sa driver. Oh kaya mag dadala ng car.. ewan ko lang kung bakit nag bago na siya ngayon..” tapos nag smile siya.

Then I gave her a fake smile. B!tch.

-----------------
sa susunod na lang ulit.. hehe.. salamat..
btw, Athena or Abigail??
XD, Athena ako! haha.. Smile

Thanks!

rOckpRiNEsS
Admin

Posts : 282
Points : 351
Join date : 2010-05-15
Location : Alberta, Canada

View user profile http://allyssa-andrei.weebly.com

Back to top Go down

Re: She's Dating The Gangster - see page 12 for the download link of the whole story

Post  Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 3 of 8 Previous  1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8  Next

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum